Home

open charting

May 28, 2009

Pitong buwan.

Pitong buwan? tagal nuon ha!

Baka naman mamatay ulit ang blog?

Pitong buwan akong naging abala. Pitong buwan na nawala sa sirkulasyon ng pag iinternet. Pitong buwan kong tiniis ang hindi humarap sa computer para lang ayusin ang buhay karir. Ngayon, medyo gumiginhawa ang pakiramdam dahil sa pitong buwan na yun, sa trabaho ko lang tinuon ang aking atensyon. SUCCESS!!! Dahil sa anim na buwan na yun naging isa akong probationary sa isang Ospital sa ParaƱaque at sa ika-anim na buwan binigyan naman ako ng pagkakataon na maging regular sa ospital. Yehey, atlis no work with pay na ako, haha. Masarap! sobrang sarap!!!

Medyo sarap na sarap akong ikwento ang buhay Nars na aking propesyon ngayon. Maraming bagong natutunan at higit sa lahat duon eh masaya. Masarap mag trabaho dahil ang mga katrabaho mo eh hindi nalalayo sa edad mo at kahit ang mga forgets eh nakikipagsabayan na rin sa mga bata kung makipagtawanan at makipagkulitan. Kahit ang mga Bisor ay nakikipagbiruan at nakikipagkulitan na iba sa ibang Opsital. Iba rin ang trip sa Ospital, bawat may magandang mangyari sa iyo ay kailangan manlibre ka sa mga katrabaho mo, ang malungkot dun eh laging may bago sa mga pasyente ko pero dahil sa kuripot ako hanggang salita na lang sila, haha. At dahil sa Ospital ang trabaho ko hindi maiiwasan na mamatayan ng pasyente, sa ngayon parang they come and go  na lang ang tingin ko sa kanila. Karamihan sa kanila ay halos cancer at stroke patients, magaling! Dito ko rin natutunan ang pagiging mabilis sa mga bagay bagay, ‘pag may nag-CODE ay dapat mabilis ka mag-isip - medyo kailangan ko pang i-enhance, naks! Dito mo rin matututunan na makipag plastikan sa mga pasaway na kamag-anak na walang ginawa kung hindi mamburaot sa buong duty mo. Natutunan ko rin na maging pasensyoso, tipong dapat lagi kang may baon na balde-baldeng pasensya dahil minsan hindi mo alam toxic pala ang patient, relative at kahit na ang doctor. Lahat ng mga kabalastugan matutunan mo kapag madami kang pasyente, gagawin mo ang lahat ng estimation, haha.

Hindi naman ako nawawalan ng social life, haha. Nandyan ang paminsan minsan pag-gagala with friends and family, minsan kapag no choice ako na lang ang gagala mag-isa. At hindi ka dapat mahuhuli sa news and updates sa mga friends mo, nandyan ang nagcall center, enjoy na siya sa work enjoy pa siya sa sweldo, libre! Andyan pa yung nagdonate ng 5 thousand para lang maging trainee sa Ospital, bongga! Meron din naging intern sa isang Ospital at lahat ng special area ay nalibot at naging best icu nurse pa, aawardan kita! Dalawa sa tropa eh nagrereview, sige pagbutihan niyo lang. Meron din nagtatrabaho sa Ospital kaya lang provincial rate ata, haha. Meron din isang ayaw angkinin ang lahat ng kaswertehan, may karir na as a nars na may lovelife pa, ikaw na! May iba naman ayun nasa ibang bansa na, puro asian country pa ang pinuntahan, swerte! Good, at least lahat busy at nagtatrabaho, walang tengga at kung meron naman baka busy sa lovelife o sex family life, haha.

Sweldo. Hmmm.. ang pinakamagastos ko ng binili ay aircon para sa kwarto ko. Split type. Mainit kasi kapag tanghali lalo na kung night duty ka at kailangan mong matulog kung kailan lahat ng tao ay gising at sa katirikan pa ng araw. Malamig ang kwarto, enjoy! Nakakapagpatigas… ng katawan, brrrr!! Ngayon pansin ko na medyo mahirap din palang iwaldas ang pera kung alam mong sa mahirap nanggaling, ayan naging kuripot tuloy ako. Puro na lang ipon pero hindi ko naman alam kung saan ko gagamitin. Puro na lang ako plano na bibili ako ng ganito at ganyan pero pag sweldo time na parang napapatigil na ako sa pag waldas ng pera, noooooo! Buti pa ang mga call center agent, parang tissue lang nila ang pera, hahaha. Kapag tungkol  naman sa ilang araw sa isang linggo ka magtatrabaho ay  isang araw lang ang pahinga mo sa isang linggo - parang si inday lang. Buti pa yung iba dyan na halos pantay na ang araw ng trabaho sa araw ng off nila, hahaha. Bitter na naman ako!

At siyempre hindi pwede na mawala ito sa blog ko. Halos 4 na buwan na akong may junior, buti na lang walang hassle ‘pag papasok sa Ospital. Magastos lang sa gasolina at malamang kapag dumating ang panahon na kailangan ng maintenance na hindi na sakop ng 1 year warranty magtatapon na ako ng pera - hindi ko na mapapagwapo pa lalo ang junior ko. Okay lang yun, cute naman yung driver eh, haha. Errrrrk.

Gusto ko ng 5 day rest, haha. Gusto ko kasing subaybayan ang kaso ni Doc Hayden at Katrina Halili. Dinaig pa kasi ang balitang swine flu at yung pagiging ambassador ni Pacquiao ng Peace and Orderly, haha. Kasi naman nuong pumutok ang balitang swine flu pumunta ang taga ABS-CBN sa Ospital namin para mag video kung paano mag handwashing ang mga nurses, hahaha. Kakahiya, kapag mali baka ipatawag pa kami ng DOH, haha. Nuong pumutok naman ang sex scandal na yan, pati Ospital damay na rin kasi naman doctor ang involve, kaya ayun inassess namin siya sa kanyang performance, haha. Ang masasabi ko lang tungkol sa isa pang video, mas mahusay ang babae sa mga lalake sa Sta. Ana bilang hinete. Toinks!!! Para nga pala kay OMB chairman, burado na po ang video sa cp ko, haha.

Nagbalik nga, sabik sa kwento!

Pitong buwan. Pitong buwan? tagal nuon ha!

Baka naman mamatay ulit ang blog?

Ah, basta hindi pa ako DNR, hindi pa pwedeng tumigil ang blog na ito… Aggressive pa! Dapat maraming gawin  - CPR, Defib at emergency drugs dapat ibigay. Bubuhayin ko ang blog na ito, kung hindi baka mamiss ko ang pagbblog.

 

Posted by jepjep at 10:14 am | permalink | comments[45]

un-rest

May 20, 2009
 
 
 
Opening Soon…
 
 
 
Posted by jepjep at 10:07 am | permalink | comments[44]

buhay drayber

October 5, 2008

Usong-uso talaga ngayon ang mga nag-eenroll sa mga driving school. Kapag sosyal ka driving school siyempre at kapag medyo gipit ka sa pera ay magpapaturo na lang sa kung sino ang marunong. Madalas marami akong nakikitang mga estudyante sa kalsada, minsan may sobrang mabagal at minsan naman may mabilis magpaandar. Pero tulad ng sa paaralan may pasaway pa rin kahit driving school na ito, may pasaway na gamit gamit ang dalawang linya ng kalsada at wala ka ng ibang pwedeng gawin eh kung hindi businahan at murahin siya sa loob ng iyong sasakyan. Pero dahil sa kanilang senyales sa likod ng sasakyan wala ka ng magagawa kung hindi ikimkim ang galit.

Photobucket

Dati rin naman akong naging estudyante at pareho kong naranasan ang turuan ng kakilala at turuan ng propesyunal. Medyo nakakatawa nuong ako ang tinuturuan dahil sa unang sabak pa lang eh may nakaaway na kami ng aking instructor. Ginamit ko lang ang driving school para mapadali ang paglakad sa aking lisensya at kahit medyo marunong ng magmaneho eh mas mabuti ng sigurado na marunong kaysa sa mayroong lisensya pero pang display lang pala. 

Photobucket

Iba pala talaga kapag isa ka ng marunong magmaneho. Sa unang araw na natanggap ko ang aking lisensya, ay sumabak agad ako sa pagmamaneho kahit magkandaligaw-ligaw ako pwede naman magtanong kapag naligaw. Nandyan din ang magpepresinta ka na dalhin ang sasakyan kapag gagala kayo ng mga kabarkada mo sa unang pagkakataon, at ngayon na medyo nasanay na sila ayos lang kasi makakatawa na kayo ng malakas ng walang nakakarinig na ibang tao kaysa sa jeep na medyo nakakahiya pa. At ngayon na medyo to the highest level na ang pagkasanay nila tulad ng sabi ng isa sa +tropa+ na drayber na daw ako eh mukhang komportableng komportable na talaga siya na ayaw magcommute.

Hindi rin biro ang maging isang drayber, dapat kakabit ng tawag sa isang tao na drayber ay ang pagiging may alam sa sasakyan - kumbaga eh slight mekaniko. Unti-unti ko ng nalalaman ang mga dapat butingtingin sa sasakyan, marunong na ako magpalit ng gulong at sa daming beses ng na-flatan ako ay dapat marunong na talaga ako magpalit ng gulong. Dapat may alam ka rin kung anong mga nabibili sa car shop ng mga nakakaalis ng konting gasgas sa sasakyan dahil medyo mahilig bugbugin ang sasakyan namin kaya dapat may alam na ako duon. Alam mo rin dapat ang gagawin kapag natirikan ka sa kalsada at lately lang namin natutunan ang mga bagay na ganyan dahil na rin sa magandang experience na binigay ni +baby g+ ng tropa sa amin. Medyo natututunan ko na rin ang mga dapat gawin, pero ganon pala talaga kahirap maging isang drayber-slash-slight mekaniko-slash-maintainer nakakastress pala talaga. 

Medyo matagal-tagal na rin akong nagmamaneho at ngayon eh naghuhumiyaw na ako, parang gusto ko naman maging isang pasahero. Iba na kasi kapag sanay ka ng magmaneho yung tipong ayaw mamalagi ang paa, kamay at mata mo sa mga pamilyar na lugar. Medyo malalayo na kasi ang sigaw ng paa ko mga tipong ‘off to go to bulacan!!!’, mga tipong NLEX na ang dinadaanan. Minsan masarap ang maging drayber lalo na kung alam mo yung pupuntahan at alam mo na may karelyebo ka pero mas masarap ang maging isang pasahero kasi hindi ka magsisisi sa bandang huli kung mapapapikit ka lang ng 10 seconds.

Sa isang drayber na tulad ko hinding-hindi pwede na hindi maging problema ang gasolina. Dati wala akong pakialam sa presyo ng gasolina dahil hindi naman ako ang nagkakarga kung hindi si mama. Ngayon ngayon ko lang naramdaman na ang gasolina eh dapat problemahin na rin, simula ng nagtaas ang presyo nito. Medyo nagtitipid na rin ako sa pagkonsumo ng gasolina at natutunan ko na rin na humingi na ako ng abuloy mula sa aking mga tropa kapalit ng kagustuhan nilang gumala, hahaha…

Pero dahil matiisin naman ako okidoks na ako sa pagiging drayber, isa rin naman itong talent at kapag ginusto ko talaga ang maging pasahero makakagastos ako ng malaki kung may drayber, yaman! Investment ko rin  ito in the near future, gagamitin ko rin ito ang pagiging isang drayber. Drayber ng magulang, drayber ng tropa, ano naman kaya ang susunod?

 

 

Mapa-drayber ka o pasahero dapat may pera ka, malaking pera!  

ok payn wateber!

 

 

 

 

Posted by jepjep at 8:17 pm | permalink | comments[40]

mamili sa dalawa

September 22, 2008

Career o Lovelife…

Madalas kong marinig sa mga artista yan, sa mga host ng show at minsan nababasa ko rin sa dyaryo. Sabi ng isang famous talk show host na:

kapag masuwerte ka sa career malas ka daw sa lovelife

at kapag masuwerte ka naman sa lovelife malas ka naman daw sa career

Oo pansin nga yan sa mga artista, isa sa nakakabaliw na problema ng mga artista. Haaaayyy, my gulay! Applicable din ba yan sa mga hindi artista? Tulad nating mga ordinaryong tao na look-like-star lang? 

Kapag career mo ang punong-puno nawawalan ba ng time sa lovelife? Masyado bang nakakaenjoy ang subsob sa trabaho? Para sa akin mas natutuunan kasi ng konsentrasyon ang bagay na magpapayaman sa iyo, hahaha… lalo na siguro kung lalaki ka dapat lang na magpayaman ka dahil hindi pa rin nawawala sa tradisyon ng mga Pilipino na ang lalaki dapat ang maging breadwinner. Magalit na ang mga babae bahala kayo. Sa lagay ng mga babae para sa akin dapat din na magpayaman, wala lang, investment lang naman.

At kapag lovelife mo naman ang bonggang-bongga, sige ikaw na ang bida. Madalas kasi na ito ang kinaiinggitan at gustong gusto na makamit. Pwede ka rin naman sumubsob sa kapartner mo, ibigay mo ang oras mo sa kanya. Pwede rin na gumastos ka sa kanya, aksayahin mo ang pera mo sa kanya… Hahahaha ang bias ko, pasensya wala akong alam sa lovelife eh (kung bakit look at my header) - it’s like a coke.. you know, zero.

Pero nung una ang tingin ko sa ganyang sitwasyon mahirap pagsabayin, kakainin ng madaming oras ang mga bagay na ganyan. Maaari kasing mawalan ka na ng social life at personal life kapag pinagsabay mo ang dalawang bagay na yan. Pero depende pa rin one side lang kasi ang nakikita ko at siyempre bilib ako sa mga taong napagsasabay nila ang pagkakaroon ng minamahal at ang pagkakaroon ng career. Marami rin naman ang nagsasabi na unahin muna ang career dahil investment ang labanan at sigurado ka na sa future mo pero depende pa rin yun kung mayroong magandang career na naghihintay naman sa iyo. Marami rin ang nagsasabi na hindi naman masama ang magkaroon ng lovelife habang tumatakbo ang career mo dahil pwede mo naman maging inspirasyon yun, pero depende pa rin yun kung marunong umintindi na medyo kukulangin ang oras sa isa’t isa.

Ngayon para sa akin hindi mo naman kailangan mamili eh, kung pareho mong maibibigay ang time mo at sa tingin mo na walang magiging problema pwedeng pwede na karirin ang dalawa. Pero siyempre kung pagsasabayin  mo dapat lang na mabalanse mo at matutong magcontrol. Mag-control tulad ng huwag na huwag munang gagawing magulang ang sarili, huwag kang mahiya na bumili ng condom dahil pag nagkataon malaki laking sahod dapat ang kakailanganin mo. Pero siyempre depende pa rin sa tao kung ano ang pananaw nila sa bahaging yan, para sa akin may kanya kanya naman tayo ng kagustuhan at kung ano ang pinili natin dapat lang na enjoyin natin.

Pero kung ako ang tatanungin at dahil showbiz ako siyempre pipiliin ko ang career dahil makakahintay naman ang lovelife at siyempre at the age of 50 I’m sure still potent, hahaha!

 

dahil hindi mo mabibigay ang 100% mong attention kung pagsasabayin.
Parang kasabihan namin mga lalake.. pag swerte sa sugal malas sa babae
pag malas sa sugal swerte sa babae.

 

 

Posted by jepjep at 6:23 pm | permalink | comments[39]

may problema ako

July 16, 2008

Halos dalawang linggo na akong namomroblema ng malaki. Okay, hindi ko na pahahabain ang entry dahil umeskapo lang ako para makapagblog lang. I’m in the middle of a dilemma of choosing either to attend a review center class or have a self-review. Shit, english! Mahirap talagang magdesisyon at pumili lalo na kung alam mo na sa review center eh maraming nakapasa at may napatunayan na - yup, iniisip ko ang magself-review. Kapag nag review center ako malaki ang gagastusin at higit sa lahat nakakahiya na kay mama dahil 1 year na akong tambay at eto ako may gagastusin na naman. Plano ko na mag review kahit hindi pa lumalabas ang aking eligibility mula sa US para naman maihanda ko na ang sarili ko if ever dumating na at siyempre kahit papaano may nalalaman na ako. Minsan nakakatamad din na mag-aral kasi parating yun na lang ang ginagawa ng isang nars bago makamit ang pinapangarap na trabaho - may malaking sweldong trabaho. Mahirap kumbinshin ang sarili na maipapasa ko ito lalo na kung lahat ng nakapaligid mo eh nagsasabi na maganda nga ang dulot ng Review Center dahil na rin sa mga tips at kodigo tulong na kanilang binibigay. Hahasahin ka nila sa napakadaming exam at sa bandang huli malalaman mo rin agad ang resulta. Sawa na ako kasi kahit naman mapareview center nuon (local) at self-review ngayon puro mababa at hindi kaaya-aya ang resulta ko sa  mga pagsusulit at kung magrereview center ako baka lagi na lang ako umuwi na malungkot at depress - hindi ko ba alam kung nakakatulong ba yun. 

Salamat na lang sa mga kaibigan ko na naniniwala sa kakayahan ko at kahit sila mama at kuya eh nagsabi na ‘kaya mo yan, mapapasa mo yan’ - gosh, pressure!!! 

At dahil sa malaking tulong ng net, napagtripan kong ilagay sa stat message ko sa ym ang katagang ‘kagat labing paslit is sad’ siyempre nagulat ako ng may magPM sa akin, ito ang usapan namin: 


mho-niyer: bkt lungkot jep jep?
ian: kasi sikret
ian: haha
mho-niyer: la lng
ian: ndi ako malungkot… sad ako
mho-niyer: ask ko lng pow
ian: haha
mho-niyer: i mean bkt sad?
ian: haha
mho-niyer: dba same lng un? gahahahah
ian: wala lang… about sa NCLEX
mho-niyer: awwww bkt
ian: kasi dapat ndi nlang ako nag apply
mho-niyer: awww tae
mho-niyer: wag ka mgsisi
ian: eh kasi nakikiuso lang kasi ako.. haha lahat kasi kau nagapply ng NCLEX kaya nagapply na rin ako… isa pa pala nagapply ako kasi kala ko ndi ako papasa sa local.. haha leche.. bara bara eh
mho-niyer: awww tae nmn
ian: tapos nagapply ako dyan eh ni wala naman akong kamag-anak sa california haha leche tlga… nakikiuso eh
mho-niyer: awwww
mho-niyer: tae
mho-niyer: wag ka nga mgsalita ng gnyan
mho-niyer: if ever na makaalis nmn kami sempre ndi ka nmn papabayaan
mho-niyer: lalu naku.. an dami mong tinulong saken.. anu ba nmn ung isama kita dun sa bahay dba
ian: awwwwww touch naman ako
ian: medyo bitter ako kasi kau nageexam ng mahirap na mahirap… kasi actually nakakatulong un.. sa gapuz sobrang hirap nakatulong siya..
mho-niyer: hehe ndi nmn mahirap eh.. boba lng tlga ako
mho-niyer: haha
ian: gagi

 
Kung nagtataka kayo sino ako diyan ako po si ‘ian’ -second name ko yan. Si +mho+ ang kausap ko at siya po ay lalaki. Muntik na akong humagulgol mapaiyak sa sinabi niyang patitirahin niya ako sa bahay niya sa California, pero sana mho huwag mo akong gawing alila duon ha. Teka nga muna, hindi pa nga ako sure na papasa ako eh. Umaambisyon lang!, nangangarap ng gising. Sabi kasi nila isa akong consistent na ‘pessi’, hirap ng maging optimistic eh baka pag bumagsak ako eh di para akong lumagapak sa lupa na nagmula sa 10,000 palapag na gusali.

Bago pa humaba ang entry ko rito mas maigi na mag-review na ulit ako, nagdadrama lang ako…

Baka mawala muna ako sa blogosphere, mahirap na baka mawili ako sa kakabasa ng blog ng iba at sa kakatawa eh biglang maisukli eh kakaiyak…

ta-ta!

 

Posted by jepjep at 12:36 am | permalink | comments[38]