si Crush… (Happy Valentine’s Day sa iyo)
February 14, 2008karugtong ito mula +dito+:
Play this first:
Full House OST
sa mga nagdaang araw ang hirap itago ang tunay na nararamdaman, pilit na Kinakalimutan ang bawat alaala at bakit tila ikaw pa mismo ang nagsusumiksik sa aking isipan kahit na hindi mo ito binabalak? bakit tila ang hiRap kalImutan ang mukha mo na mala-anghel? bakit ang hirap burahin sa iSipan ko ang maaliwalas mong mukha na sobrang kay ganda? bakiT patI Ngiti mo na minsan ko lang nasilayan Eh piLit na rumerehistro sa aking uLo? bakIt pati ang Maririkit mong mgA mata ay nagniningning sa bawat alaala na aking pilit na kinakalimutan? ang katawan mong panalo, balat na kay kinis at puti na ‘pag biglang naalala parang anghEl ang nakikita. haaayyy, parang lumilipad Sa Alapaap. aNg hirap kaliMutan ang babaeng tulad mo, nagpakIliG at naramdaman ang sobrang tama sa pUso. ayaw ko mang isipin pEro hindi magawa. ikaw na nagbibigay Liwanag sa aking imahinasyon. ikaw na Crush ko Ika-nga ng mga tao, crush na lumEbel paitaas dahil aRaw araw alaala mo ang laging nasisilayan. ikaw kung bakiT anong mEron ka na mahirap kalimutan dahil ba sa iyong kagandahang taglay o ang pagkakaroon mo ng pusong kay busilak?
ang totoo masakit na. hindi na nga masaYa eh… ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganiTo, parang isang libong pana ni kupido ang nakabaon sa puso ko… kung kailan naman hindi na manhid yung puso ko at natuto ng umibig saka naman siya nawala. nagkaroon na nga ng pagtingin, nagtriplE tripLe naman ang katorpehan… malamang hinding hindi ko makakalimutan ang mga linyang ito sa kantang ‘Ngiti’:
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko’y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
Medyo korni nga eh pero ganoon talaga ang nararamdaman ko, pero kahit ganun pa man masarap pa ring isipin gabi gabi yung ganung pakiramdam. Bingo na nga ako sa mga kaibigan ko eh paano, dahil sa isang entry ko dito na tungkol sa iyo eh unti unti silang nagiging curious kung gaano ba talaga kaganda “si crush” at kung ano ba talaga meron ka. Kahit naman ako curious eh kung ano ang mayroon ka, may first impression na mabait ka at napatunayan na nga dahil approachable ka at hindi mataray ayon sa aking kaibigan pero hanggang duon lang namin nalaman kung ugali mo ang tatanungin. Marami akong tanong tulad ng; curious ako kung palatawa ka ba, kung paano ka tumawa, kung paano ka magalit at kung paano ka maglambing.
Baliw na nga ako kung ituring pero iba kasi yung kilig na nararamdaman kapag bigla kitang naalala ng hindi sinasadya. Marahil sa mga kantang nagpapakilig sa akin sa paligid kaya dun ko nakikita sa aking isipan ang iyong mukha. Alam ko naman na walang patutunguhan ito eh, ineenjoy ko na lang dahil kahit ano sabihin nila totoo naman yung nararamdaman ko at hindi basta basta lang.
At ngayon na ipinagdiriwang ang araw ng mga nagiibigan babatiin pa rin kita ng happy heart’s day at eto ang gift ko sa iyo:

Sweet hearts from Gonuts Donuts
kahit na wala naman tayong relasyon at hindi mo rin ito mababasa ‘yan ay para sa iyo. At marahil masaya ka sa araw na ito…
Mamimiss kita Mama Bear…
The more
Iyou fall for the girl, thoughIyou already knew that there will be no chance at all, the moreIyou realize thatI’myou’re just hurtingmyselfyourself
February 14, 2008
*dun sa korean song, pinili ko siya dahil maganda ang lyrics based sa english translation.*
Previous Comments
nice jep!! dont let your hopes down… malay mo mkita mo xa sa PRC na kumukuha nrin ng license.. sosyal!! pro pag ngyri un.. BAWAL NA ANG TORPE!!!….;p
Posted by belle05 at February 16, 2008, 4:20 pmdarn!! ibig sabihin papakilala na ako sa kanya? eh nahihiya pa rin ako eh.. hahaha taena ndi na kami magkikita nun no, isa na lang siyang ala ala na pilit kong binabaon sa lupa… nweiz, i still got my shovel in case… hahaha… damn.,
Posted by jep at February 16, 2008, 5:28 pmjep naicp ko lng.. kya pla cguro gs2 mo c Kristy Lee Cook dhil k2nog nya name ni ytel na “kristinelli”.. wahehehe.. wla lng… mkonek lng!!^^,
Posted by belle05 at February 16, 2008, 8:42 pmnaman.. ano ba un.. maganda kasi si kristy lee cook no.. at saka ultimate vote ko si kady malloy.. siguro uso lang sa akin ang mga may letter K.. haha kala ko naman kung ano.. kala ko u’ll criticize ung ginawa ko na may mga nakabold at iba ang color na font letters here sa entry ko…
Posted by jep at February 16, 2008, 9:07 pmeffort nga ung gnwa mo s letters ng names nya eh.
tinamaan tlga si manong jepp…anu b yan! san n babaeng yan?! pinparusahan ka ah!
basta jepp, may chance k p din mkapagpakilala s knya..pag nkuha mu na un..pls lang! do it na! ok?!!!! ok?!!! OK! gudluck! *wink 3x*
Posted by airah at February 17, 2008, 9:04 pmwahahaha..NAMES eh nuh.
happy hearts month pala tsong!
Posted by airah at February 17, 2008, 9:05 pmweh!? hindi ko na makikita un… maliit, as in sobrang liit na ng chance na makita ko un at makilala siya.. kumbaga sa probability, dehado!! haha..
Posted by jep at February 18, 2008, 2:30 pmgrabe na yan jep ha…grabe na talaga! NGAYON LANG TALAGA KITA NAKITANG GANYAN! ampf! happy ako dahil mayroong nagpapasaya sayo…kahit di pa siya sayo. hehehe…kakaiba talaga ang katorpehan! tsktsk..nakaka-paralyze.
Posted by cherishedsoul at February 20, 2008, 8:40 pmahihihihih.. kinikilig ako.. mag song effect pa ha.lheheheh
Posted by chase at February 20, 2008, 9:24 pmnakakakilig ba un? ang lungkot nga eh.. hahaha.. sige tutal yan naman ang naramdaman mo chase sige go lang!! haha
Posted by jep at February 20, 2008, 9:40 pmdahil ito ang nakatapat
sa tagboard mo
ito ang unang entry mo
na nabasa ko
lahat ba ng tropa ni ferbert
emo?
hahaha
maswerteng karasness yan
:)
mejo past entry na 2..
pero fave ko kc ang song na yn eh..kaya napacoment aq..lol!
sana maiparating mo rin sa kanya na gusto mo siya.
para nman malaman niya na maswerte siya may isang gaya mo na nagmamahal sa knya.
salamat sa pgbisita.^__*
Posted by churvah at March 25, 2008, 11:50 am@ xienah: oo uso sa tropa un ang emo.. ang EMOOOOOO.. haha..
Posted by jep at June 23, 2008, 9:52 am@ churvah: salamat ng marami.. ndi na makakarating sa kanya yan dahil wala na talaga.. ndi na kami magkikita…
Posted by jep at June 23, 2008, 9:53 amHe wished to attempt a descent in a parachute of his own
Posted by Coach Outlet Online at July 25, 2011, 3:31 pmI totally love this article. I think you could write some other things to make your blog more complete
Posted by UGG Outlet at August 15, 2011, 10:02 amchaoying Made from duck down, the collection Moncler is renowned for its warm but lightweight pieces which take you from winter holiday to the city’s most fashionable wardrobes.Luxury range of men’s and women’s ski sportswear for winter and slopes available online now.Glistening nylon from France,Moncler Doudoune filled with warm down, provides sporty style for weather-resistant fun.French company’s coats and jackets,Veste Moncler balanced fashion style and function of the necessary sexy. Everyone wants to look good and keep warm. La comparsa di Moncler Doudoune Homme è stato aggiornato ogni year.They sono classici e adatti per il vostro viaggio.Moncler Doudoune Femme always can better to show you the different temperament to make you look more powerfulMoncler Angers .Si può controllare la qualità,Moncler Popstar l’autenticità e l’origine del prodotto in qualsiasi momento. Moncler Loire è sufficiente eseguire un controllo utilizzando il codice presente sull’etichetta cucita all’interno di questo indumento.When it comes to the
Moncler Angers,what we know is that it is famous in the world.
Moncler Scarf & Caps It is made of top materials and is really warmness in cold weather.Moncler Nantes with puffer style can look more fashion to go outsite. Moncler Doudoune Eric Soft material and lightweight of this coat will be your best choice. Moncler Branson is the latest popular, unique style and very fashionable.Moncler Quincy Once you got it, you will find that it worth paid. This collection is in bright color, Moncler Boots with elegant style and keeps you warm.Moncler reveals your charming temperament, highlights your noble charm and adds urban lady look.
have a wide selections of cheap coach bags
Posted by North Face at November 11, 2011, 12:58 pmhappy to see that.Thanks to share this brilliant matter.
Posted by Coach Outlet Store Online at February 6, 2012, 10:29 am



nice! at ang saya naman nung pinatugtog ko talaga yung music habang binabasa ko yung entry!
napadaan lang.
Posted by Ja at February 14, 2008, 6:11 pm