the verdict… (drum roll)
February 21, 2008

please check my heart rhythm…
Ilang gabing kakaisip, mahigit 2 buwan kaming mga nag-exam ang naghintay sa resulta. Iniisip kung tama ba ang mga pinagsasasagot namin sa pagsusulit, kung nagawa ba namin ang sapat upang maipasa. Halos 2 buwang mahigit gabi-gabi yan lang iniisip ng mga estudyanteng kumuha ng pagsusulit.
Para sa akin, kalmado ngunit negatibo ang aking tugon sa naging pagsusulit at sa darating na resultang lalabas. Nagiging kabado lang kapag may nagpapaalala sa akin kung lumabas na ba ang resulta. Deadma ako sa sitwasyon, marahil may kutob na ako sa kung ano ang magiging resulta (kabaliktaran pala ang nangyari). Kahit na ganon ang aking paghawak sa sitwasyon, hindi pa rin maikukubli na tuwing gabi madalas maiisip ang mga bagay bagay bukod sa taong ito eh naiisip ko rin ang ikahahantong ng aking pagsusulit. Madalas naitatanong sa sarili kung magiging masaya ba ako sa resulta? Magiging masaya kaya ang aking mga magulang sa resulta? Maipapasa kaya ng taong ito ang pagsusulit? At higit sa lahat maipapasa ko kaya ang pagsusulit na ito? Gabi ng Feb 20 nang natapos ang mga agam-agam ko at nadagdagan ang lalong namumuong tensyon ng sabihin sa akin ng aking kaibigan na lumabas na ang resulta. Nang dalawin ko ang site para tingnan ang listahan ng mga pumasa, hindi mabuksan dahil flood ang site at maraming pumapasok sa site. At dahil sa walang magagawa itinulog ko na lang muna. Umaga at hapon ng Feb 21 halos buong magdamag akong walang sawa sa pagbisita sa site upang malaman na ang resulta, halos mabaliw na ako dahil halos lahat ng kung ano anong site na ang dinalaw ko na makapagbibigay sa akin ng listahan kaso lahat sila ay dinidirekta ako sa site na flood. Maya-maya may nag-PM sa akin sabi niya lumabas na ang resulta at mayroon na siyang kopya. Agad kong hiningi sa kanya ang site na kung saan lumabas na ang resulta at agad agad kong tinype ang pangalan ko at:

WOOOOHOOOO!!!! Ang saya saya ko… Pumasa ako!! 1st take lang!! Grabe ang saya saya ng mama ko. Halos lahat ng kaibigan ko hinanap ko ang mga pangalan kasama na yung mga +ka-roommates+ ko. Pumasa kami!! Ang sarap ng feeling sobra!! Halos lahat sa tropa namin eh mga Nurse na, hehe… Masaya lang ako kasi kahit papaano nagawa ko, nagtagumpay ako kahit na sobrang hirap at halos iyakan ko na…
CONGRATULATIONS to all my batchmates, and to all who passed the December 2007 NLE… NURSE na tau!!! hehe..
Jeffrey Ian S. Cervantes, RN
bagay ba?
Though I felt ’sappiness’ (sad+happiness) right now kasi ang taong special sa akin hindi ko nakita sa listahan ng mga pumasa ang pangalan niya, special ka pa rin sa akin sobra!! baka kailanganin mo ang hug ko… hug na lang kita…. xoxo
*** My Goodness, nakalimutan kong pasalamatan ung mga kaibigan ko at sa mga online friends ko here sa blog ko na sumuporta sa akin sa buong process, from review till the release of the result, grabe super thank you talaga. I was so overwhelmed kaya nawala sa isip ko na pasalamatan sila, hehe… Though personally napasalamatan ko naman sila, include ko na rin sa blog ko ung happenings.*** - February 26, 2008
Previous Comments
congratulations nurse jep-jep!! it is indeed a rewarding experience to see your name enlisted in the lofty list of the board passers!! what are your plans? sana kahit nasa UK ka na or kung saang parte ng mundo, update mo pa rin kami through your blog, ha? i have an award for you. God bless =) http://fortuitousgaiety.blogspot.com/2008/02/cool-cat-award.html
Posted by ida at February 24, 2008, 2:35 amcongrats!
Posted by Ja at February 24, 2008, 11:06 amwow congrats ka RN
apir,
Mia Irish Sortijas RN
Posted by dakilang tambay at February 26, 2008, 2:42 amgaling talaga ni Gapuz
Posted by dakilang tambay at February 26, 2008, 2:48 amayyy bongga! congratz!!
blow out!! blow out!! blow out!!
@ Mia: congrats din sa pagiging Nars na rin.. Go Gapuz tlga.. haha
@ chase: blowout? naku.. walang pera hahaha.. winelcome na nga sa world of jobless eh.. haha..
@ ida: thanks sa award.. thanks din sa pag congrats..
@joice: oo naboto na kita.. hehe
@bujoy: mamat sa pagbati.. unang una ka pa ha.. hehe
Posted by jep at February 26, 2008, 10:34 amahahaha.. sm manila ako nagreview section 8 ako.. hahahaha.. kaw?
na-add na din kita
Posted by mia at February 26, 2008, 12:42 pmoo sa sinehan kami. classmate mo ung tropa ko na isa
hahaha..
sanayan lang sa sinehan. sarap nga ng upuan namin dun. cozy. hahaha
Posted by dakilang tambay at February 26, 2008, 2:32 pmcongratS!! Jeppy RN
Posted by icka at February 29, 2008, 12:55 pmwow! congrats sa iyo! sabay din pala kau ng sis kong nag take!
blog on dear colleague!
i am so happy for u buddy. i know all the wait has paid off.
congrats!
Posted by carl at March 7, 2008, 3:00 pmsarap na feeling pag pumasa noh…
parang heaven…hhahahaha
At the networks I wandered. By chance after your web site, read your post. Very fruitful, thank you for sharing. On the Internet, it is hard to find useful information. Thank you.
Posted by Coach Outlet Store Online at October 29, 2011, 1:08 pmchaoying Made from duck down, the collection Moncler is renowned for its warm but lightweight pieces which take you from winter holiday to the city’s most fashionable wardrobes.Luxury range of men’s and women’s ski sportswear for winter and slopes available online now.Glistening nylon from France,Moncler Doudoune filled with warm down, provides sporty style for weather-resistant fun.French company’s coats and jackets,Veste Moncler balanced fashion style and function of the necessary sexy. Everyone wants to look good and keep warm. La comparsa di Moncler Doudoune Homme è stato aggiornato ogni year.They sono classici e adatti per il vostro viaggio.Moncler Doudoune Femme always can better to show you the different temperament to make you look more powerfulMoncler Angers .Si può controllare la qualità,Moncler Popstar l’autenticità e l’origine del prodotto in qualsiasi momento. Moncler Loire è sufficiente eseguire un controllo utilizzando il codice presente sull’etichetta cucita all’interno di questo indumento.When it comes to the
Moncler Angers,what we know is that it is famous in the world.
Moncler Scarf & Caps It is made of top materials and is really warmness in cold weather.Moncler Nantes with puffer style can look more fashion to go outsite. Moncler Doudoune Eric Soft material and lightweight of this coat will be your best choice. Moncler Branson is the latest popular, unique style and very fashionable.Moncler Quincy Once you got it, you will find that it worth paid. This collection is in bright color, Moncler Boots with elegant style and keeps you warm.Moncler reveals your charming temperament, highlights your noble charm and adds urban lady look.
If you need to lose weight is very important.
Posted by paiyouji at March 9, 2012, 2:16 pm



jepjep SOBRANG CONGARTS senyo..^_^ at least db sobrang nging positive ung nging results…^_^
CONGRATS RN…^^,V
Posted by bujoy at February 22, 2008, 5:38 pm