Detox
March 23, 2008Hilig kong magbasa ng mga blog ng iba, natutuwa kasi ako sa mga entries nila at sa mga kwento ng buhay nila. Pero hindi ang kanilang buhay ang laman ng entry ko dito kundi ang mga pagsagot nila sa mga tanong na-ala bulletin board sa friendster. Nakakatuwa lang kasi at ngayon ko lang gagawin ang ala survey na ito. Medyo luma na yung mga tanong na ito dahil halos inaagiw na ang entry na ito mula kay +doc cedeux+, +kingdaddyrich+ at kay +carl+ na nagpapakape. Kahit na hindi nila iti-nag sa akin ito gagawin ko pa rin, kasi medyo bago bago ko pa lang sila naging kaibigan dito sa online world eh. Hindi ako nagtatampo. Hmmm… ano ba kasing mga tanong?:
� Pag nasa CR ba kayo, hindi kayo naiilang sa katabi nyo?
Hindi. Ang alam ko may rule na nakatatak na sa isipan ng mga lalaki eh. Kapag lima lang yung urinals the odds will be used while the even is not… Laging may pagitan, pero kapag punuan bakit naman maiilang? Pare-pareho lang kaming meron nun.
� Ano ang sekreto nyong mga gwapo? (ano meron sa kikay bag?)
Hindi ko alam, siguro pag confident sa sarili yun ang sikreto at wala akong kikay bag. Tanging panyo lang ang dala ko at candy.
� Nakapasok na ba kayo sa girl’s CR?
Hindi pa. Ano naman gagawin ko dun? Pero curious ako sa loob ng Ladies CR kaya kapag mag CCR ako sa mall siyempre madadaanan muna yung Ladies CR tapos mapapalingon na lang ako sa CR nila… Consistent yun!!!
� Bakit pag nakakita kayo ng magandang legs tumutulo laway nyo?
Hindi naman, eh paano pag nakahubad na? Marunong naman akong maka-appreciate ng magandang legs pero hindi tutulo ang laway ko dun. Ang gumagawa lang nun eh mga manyak at hindi ako manyak, malibog lang ako…
� Bat ang hilig nyo mag-inuman? Masarap ba malasing? huwag nyo ibabalik sa ken ang tanong na yan!
Hindi ko hilig mag-inom, pag nagkaroon lang ng kasiyahan dun lang ako nainom. Pero ngayon bawal na akong uminom kasi lumalaki ng ang “love handles” ko.. Isang beses pa lang ako nalasing at nagtawag talaga ako ng uwak - nakakahiya.
� Ano feeling ng tinititigan kayo?
Nino? baka mapaparanoid ako, haha… Siyempre mahihiya tapos mamumula tapos kikiligin ako kapag magandang bebot yung nakatingin.
� Eh paano kung bading yung tumititig?
Lalo akong mapaparanoid kasi baka may mali akong nagawa. Siguro iiwas na lang ako.
� Do you really keep “secrets”?
Oo naman, pero kapag alam kong hindi naman big deal yung secret na yun tapos gustong malaman ng iba sasabihin ko pero in a funny way kaya malamang hindi siya maniniwala o kaya in a high standard requiring high I.Q. understanding - bigatin! Pero I can keep a secret.
� Nagwa-gwapuhan din ba kayo sa ibang lalaki?
Ang alam kong istura ng gwapo eh basta maputi kasi ako hindi ako maputi. Siguro pag tinitilian ng mga babae yun na siguro ang gwapo.
� Ano feeling? Nakakabading ba?
Hindi. Deadma lang.
� Gwapo ba si Richard Gutierrez?
Oo, siguro kasi hearthrob siya eh. Tinitilian naman siya ng mga girls, maputi pa siya at matangkad. Sabi nga ng nabasa ko sa isang dyaryo ‘the guttierez’s family has a good genes when it comes to their looks.’
� Baket ang hilig nyo sa wrestling? Scripted lang yun di ba.
Nung bata ako sobrang hilig ko dyan, nalaman ko na lang na scripted yan nung HS ako pero nanonuod pa rin ako hindi na nga lang ganoon ka consistent.
� Umiyak ka ba nung namatay si Ultimate Warrior, si Bret Hart o si Eddie Guerrero?
Nalungkot ako nung namatay si Eddie Guerrero kasi sa bangungot siya namatay eh - tragic. Si Ultimate Warrior hindi naman siya namatay eh pero napaniwala ako kasi bata pa ako nun eh.
� Bakit ang dami nyo pick-up lines? San nyo ba napupulot yan?
Hindi ko pa nattry yang mga yan kasi hindi ako marunong. Hmmm.. Hindi talaga.. Ang mga pick-up lines eh para lang sa mga gustong makascore. Sino bang hindi gusto ang makascore? Di bale pag-aaralan ko yang mga pick-up lines.
� Bakit ang hilig nyo sa hentai or porn?
Natural na yun sa mga lalaki. Ayaw ko ng hentai kasi imbes na ma-arouse ka mandidiri ka kasi may mga halimaw silang sinasali. Mas maganda kung tao sa tao - enough said.
� Ano meron sa “boys talk”?
Meron ba nun? Siguro mga experiences at escapades. Pataasan at Palayuan ng ihi kumbaga.
� Natotorpe ka ba? Baket?
Member ako ng Liga ng mga Torpe. Mahiyain kasi ako eh.
� Bakit kayo nagpupuyat?
Hanggang 2am lang ang kaya ko, pero madalas maaga na akong matulog mga 12 matutulog na ako. Kakanuod ng T.V. at kakasurf sa net.
� Ano gusto nyo gawin ng girl pag hindi talaga kayo gusto maging bf?
Wala. Dapat walang sapilitan, mutual dapat.
� Bakit kayo mahilig sa blue?
Kasi bagay siya sa mga morenong tulad ko, play safe sa kulay eh.
� Di ba pink is a masculine color? bakit ayaw nyo mag-pink?
May pink akong damit ha… Oo daw pink is a masculine color pero ‘di ko gets sa mga market ngayon, ginagawang pambabae ang pink.
� Natatakot ba kayo sa dilim?
Hindi. Masarap nga maglambingan sa dilim eh, pero mas masarap pag may liwanag.
� Pag nag-aaway kayo, bakit gusto nyo suntukan?
Hindi ako nakikipagsuntukan kasi malamang ako ang uuwing talunan, kaya madalas sa magandang usapan nauuwi kapag may nakakaaway ako.
� Eh pano kung babae? di naman pwede suntukan.
Tampuhan lang ang pwede, dapat walang pisikalan kapag nakikipag away sa babae. Ang babae dapat niyayakap at kung ano ano pa kapag pisikalan ang usapan.
� Ano ang definition niyo ng “makulit”?
Hmmm… maraming depinisyon eh, pero yung makulit na masarap yung tipong sweet na makulit ang gusto ko.
� Bakit ang hilig nyo magregalo ng stuff toys? Last resort ba yun pag wala ng maisip?
Wala pa akong nareregaluhan ng stuff toys kasi wala pa naman yung nararapat tumaggap. At saka ang mahal ng stuff toys aanuhin naman nila yun? Last resort? actually hindi ko alam.
� Gusto nyo ba regaluhan din kayo ng stuff toy?
Ayaw, aanuhin ko un? itatago lang yun sa aparador, mamamaho pa. Kung reregaluhan mo ako pwede na ang katawan (for girls only).
� Do you really keep secrets? ganun?
Oo nga!! Aba!
� Baket defensive kayo madalas?
Kasi ganon talaga pag iniisipan kami ng mali.
Hmmm.. wala naman akong mai-tatag nitong mga tanong na ito kasi halos lahat na ata ng lalaking kaibigan ko dito sa online world eh nasagot na ito, hindi naman pwede sumagot ang mga bababe kasi baka kung ano ano ang mga kabitteran ang isagot nila dito.. haha…
waaahhh detox… I need to detox, dapat maaliwalas na ang pakiramdam ko bago ko simulan ang bagong kabanata ng aking buhay.
Previous Comments
wow! nakarating na din pala sayo tong tag na to.. naalala ko pa.. 7 kameng kaunaunahang sumagot ng survey na to.. hahahaha.. the lucky 7. si Geisha gumawa nito eh.. hahahaha..
eto blog nya.. http://jgsmart.wordpress.com
Posted by FerBert at March 24, 2008, 9:02 pm2am ka na natutulog… same here… ang mga nurses talagang sanay sa puyatan
Posted by krisjasper at March 24, 2008, 10:08 pmbkit gnon mga sagot mo?? B O G L I … hehehe… lalake ka nga tlga!! hehe.. gs2 ko e2ng entry mo.. lhat kc ng gs2 kong mlaman and2 e.. kso ung ibng sgot mo safe!! andaya!! hmmp.. dbale iho2tseat ka nlng ulit nmin.. ;p
Posted by belle05 at March 25, 2008, 5:37 pmNaalala ko tuloy nung minsang tinanong ko si Kuya Ferbert kung pwede ko ba’tong sagutan. Ahaha. Panglalaki nga naman yung mg tanong kaya di pwede. hehe. wala lang. Napabasa lang ako. :]
Posted by Noime at March 25, 2008, 8:29 pmnahihiya akong ipasa sau ito eh, kasi hindi ko tanya kung busy ka o hindi.
pero naaaliw ako sa pagbasa nga mga sagot mo. ^_^
Posted by carl at March 25, 2008, 8:31 pmyun naman din ang isa pang silbi ng pagboblog, ang magshare mo ang iyong mga kachurvahan at magbasa ng ibang kaportionan ng mga iba pang bloggers.
gaya nito. hehe
Posted by vera at March 26, 2008, 7:48 amhaha nice jepp…dpt meron din s girls ^_^
Posted by airah at March 26, 2008, 7:40 pmdefensive kayo kase may ginawa kayong mali. hahaha salamat sapagdaan sa blog ko jep
Posted by MirrahGanda at March 27, 2008, 3:53 pmgosh nmn kuya jePp yOur so ma-bOglee hir! haha anyway high-way.. ngpatotoo ka lng.. ako true tlga ako.. wholesome image na me =P.. keep on posting some blogs..
Posted by mhon at March 28, 2008, 8:37 pmAyun, tag din po kita, if you don’t mind. Here’s the link
BTW, i’m owndering why nagloloko minsan page mo, hindi ma-open, or maybe it’s just me?
Posted by Ely at March 28, 2008, 11:38 pmweeee..aus n blog entry ah! kyo tlga nhihilig mgblog noh!^^,
sarap mgbasa ng gnito ntatawa nlng ako hehehe!
mkgawa nga din ng sriling blog d2^^
Posted by bujoy at March 29, 2008, 12:11 pmnurse jep, talaga torpe ka?
ahhh oo.. haha dyahe nga eh.. haha.. uso un.. uso ung torpe ngaun hahaha..
Posted by jep at March 29, 2008, 11:15 pmnagwowork ka na ba? hahaha
Posted by mia at March 30, 2008, 9:50 amhahaha.. i love this post.
pero on the first couple of questions. hindi ako nakaka relate.. heheheh.
ako i don’t use pickup lines. i just use my smile and eyes. hehehe. char!
Posted by chase/chubz at April 1, 2008, 9:50 amhahah!! malibog! mabuhay tayong malilibog!
at automatic switch rin pala ang leeg mo pag nadadaan sa girls cr… hahaah.. baka makatiempo ng pantyng kakalat kalat eh noh?! hahaha…
lols
Posted by kingdaddyrich at April 1, 2008, 9:21 pm@kingdaddyrich aba ang burara naman nun kung pakalat kalat.. T.O. un.. yeahhh mabuhay ang malilibog.. teka parang kadiri na ata un.. haha
@chase tlga smile mo lang? panalo ka pala.. kabog! turuan mo naman ako, kasi pinipilit ko kasing palabasin ung invisible dimple ko eh.. haha
@mia nah, wala pang license eh.. yeah.
@bujoy sige gawa ka na rin.. ipaalam mo sa akin ha..
@airah bawal nga gawan ang girls eh.. magfflood lang kayo
@noime salamat
@belle panong madaya, ang hirap sagutin yan ng wholesome image ha.. haha.. sau kaya ako nagmana sa kaboglihan
@ferbert nadalaw ko nga.. mga institusyon na pala tlga kayo
@mho wholesome sino?
@krisjasper ndi pa ako nagwwork as a nurse eh.. wala pa akong license haha
@carl okay lang.. naiintindihan ko.. hehe
Posted by jep at April 1, 2008, 10:10 pmThe Burberry Outlet positive marketing the latest hits at the moment. That’s why thousands of people cultivated a huge fan of them worldwide. Interestingly, the fact that online famous Burberry Bags, Burberry Outlet Online to save the world.
Posted by Burberry Outlet at September 11, 2011, 2:13 pmchaoying Made from duck down, the collection Moncler is renowned for its warm but lightweight pieces which take you from winter holiday to the city’s most fashionable wardrobes.Luxury range of men’s and women’s ski sportswear for winter and slopes available online now.Glistening nylon from France,Moncler Doudoune filled with warm down, provides sporty style for weather-resistant fun.French company’s coats and jackets,Veste Moncler balanced fashion style and function of the necessary sexy. Everyone wants to look good and keep warm. La comparsa di Moncler Doudoune Homme è stato aggiornato ogni year.They sono classici e adatti per il vostro viaggio.Moncler Doudoune Femme always can better to show you the different temperament to make you look more powerfulMoncler Angers .Si può controllare la qualità,Moncler Popstar l’autenticità e l’origine del prodotto in qualsiasi momento. Moncler Loire è sufficiente eseguire un controllo utilizzando il codice presente sull’etichetta cucita all’interno di questo indumento.When it comes to the
Moncler Angers,what we know is that it is famous in the world.
Moncler Scarf & Caps It is made of top materials and is really warmness in cold weather.Moncler Nantes with puffer style can look more fashion to go outsite. Moncler Doudoune Eric Soft material and lightweight of this coat will be your best choice. Moncler Branson is the latest popular, unique style and very fashionable.Moncler Quincy Once you got it, you will find that it worth paid. This collection is in bright color, Moncler Boots with elegant style and keeps you warm.Moncler reveals your charming temperament, highlights your noble charm and adds urban lady look.




ha ha. wala binasa ko lang. ala magawa e
Posted by abou at March 24, 2008, 7:33 pm