Ano bang meron sa climate change?
April 23, 2008Mainit… Yan ang madalas na marinig na reklamo ng mga tao. Ano bang meron? Dahil ba summer na? Pwede… Pero napansin mo ba na painit ng painit ang klima sa tuwing darating ang summer sa Pilipinas? Kung Oo, iyon ang problema. At ang problema ay ang Global Warming.
Noon madalas ng tinatalakay ang suliraning ito sa eskwelahan pero hindi masyadong nabibigyan ng linaw o kaya ang mga senyales at palatandaan ay hindi inihahain sa amin at tanging ang pagsabi na ang Global Warming ay isang malaking problema na ating kinakaharap kung kaya’t hindi masyadong naging malaking isyu para sa akin.

Maganda ang dokyumentaryo nila, nagbigay sila ng mga simpleng tips upang mabawasan ang problema tulad ng pagtipid ng kuryente, paggamit ng cloth bag imbes na plastic bag kapag mamamalengke at ang pagrerecycle.
Isa pang dokyumentaryo ang aking napanuod at ingles naman. Ang +An Inconvenient Truth+
na gawa ng dating tumakbo bilang Presidente ng Amerika na kalaban ni George W. Bush na si Albert Arnold Gore o sa mas kilalang Al Gore. Masyadong detalyado kung iyong papanoorin, maraming patunay na nag-iiba na talaga ang ating klima at base sa pag-aaral dito sinasabi na ang pagdami ng konsentrasyon ng Carbon Dioxide sa atmosphere ay nakakaapekto talaga sa pagtaas ng temperatura ng buong daigdig. Pinakita dito ang unti-unting pagtunaw ng yelo sa Hilaga at sa Katimugang bahagi ng Daigdig. At ang pwedeng maging resulta nito ay ang malawakang pagtaas ng tubig sa buong daigdig na pwedeng ikalubog ng mga bansa kasama na ang Pilipinas. Pinakita rin dito ang maaaring mangyari sa susunod na limangpung taon kung saan madodoble ang nararamdamang init dahil sa sobrang pagtaas ng mga Greenhouse Gases sa atmosphere. Nakakalungkot dahil ang ibang lugar kung saan natatakpan ng makakapal na yelo ang mga kabundukan ay unti unti ng nawawala at natutunaw, at ang mga lugar kung saan kilala sila dati at ngayon wala na tulad ng isang lawa sa Aprika kung saan natuyo na talaga ang lawa at naging lupa na lang. Malaki rin ang epekto nito sa mga hayop tulad ng mga migratory birds na ‘pag nangingitlog eh kasabay nito na nabubuhay ang mga caterpillar pero ngayon na tila nauuna na ang mga caterpillar na mabuhay kaysa sa mga inakay kaya nawawalan ng pagkain ang mga ibon. Meron ding malaking epekto ito sa tao, dahil na rin sa napakalaking populasyon natin at malamang sa mga susunod na taon dadami at dodoble pa ang bilang ng mga populasyon, dahil dito kakaunti ang magiging supply dahil sa pagtaas ng demand. Maganda rin ang pagkakapaliwanag nila sa mga bagyo na nararanasan, dahil sa init na nagmumula sa araw ang tubig sa karagatan ay pumapaitaas sa prosesong evaporation at kapag talagang bumagyo malakas ang dulot nito. Sabi sa pag-aaral nagkaroon ng may pinakamalawakang tag-init o heat wave nung taong 2005 kung saan sa taong rin yan nagkaroon ng maraming bagyo, dahil kahit lupa o sa karagatan eh ang tubig eh sinipsip paitaas. Medyo nakakaalarma pero andyan na mga senyales dapat ba taung maniwala o hindi?
Melissa Etheridge - I Need to Wake Up
Maraming hindi naniniwala sa mga babala at mga senyales, dapat ba taung maging katulad nila na mga skeptics? Hindi natin dapat ipagsawalang bahala ang mga pag-aaral dahil maraming taon ang ginugol nila para lang makagawa ng teorya at ipakita sa madla na it’s a fact. Sabi nga ni Al Gore na mas dapat nating ikabahala ang mga pangyayaring ito kaysa sa pag giyera sa mga terorista. May binigay siyang nakakatuwang mensahe tungkol sa isang balanse, sa balanse ay mayroon isang maraming bloke ng ginto at sa kabila ay ang ating mundo, dahil na rin sa maraming tao na binibigyan ng importansya ang kayamanan hindi ba nila naisip na kapag hindi nila pinili ang kalagayan ng mundo ehhhhh - alam niyo na yun. Siguro ang sinasabi niya ay ang mga pabrika at kung ano ano pang industriya na walang pakialam sa kinakaharap na problema. Maganda ang mensahe at ang dokyumentaryo na ito ay dapat lang na panuorin.
Nakakatakot na ‘pag tumitingin ako sa mga sanggol at sa mga bata hindi ko maisip kung anong kinabukasan ang kanilang madaratnan at ang nakakatakot ay kung mayroon pa ba? Isipin mo na lang na sa magiging apo mo o anak mo ay paano kung magtanong sila ng ganito: “Ma, Pa, Ano po ang nangyari?”, “Bakit wala po kayong ginawa?”
(gulp) help!!! (gulp)
April 4, 2008Mukhang nalulunod pero hindi, pero halos pareho lang ng nararamdaman tuwing gabi. Halos magtatatlong linggo na lagi lagi ko itong nararamdaman, siguro sa tatlong linggo na ‘yun naka anim na akong pakiramdam na ‘yun. At deadly talaga kung iisipin.
Haayy.. hindi ko alam kung bangungot ba ang tawag ‘dun kasi sabi nila wala namang bangungot. Madalas naririnig sa mga Pilipino na binabangungot sila at kung iintindihin ang kwento nila tila nakakatakot nga. Nakakahiya kasi asa Medical field ako pero kinoconsider ko na isa ngang bangungot yung naramdaman ko. Pero ‘nung una kong naranasan yan, siyempre bangungot nga kung iisipin pero kung paulit-ulit at pare-pareho mag-iisip ka talaga at magrarationalize na may ibang rason o paliwanag sa nangyayari sa akin. Ganito kasi ‘yan, hindi naman lagi-lagi pero may araw na tatamaan talaga ako ng ganoong karanasan at halos pare-pareho lang. Kapag matutulog na ako at nahimbing na biglang may nararamdaman na ang bigat bigat sa dibdib ko tapos tipong hindi ka makahinga tapos ang hirap magising, aakalain mong napakadambuhalang tao ang nakaupo sa dibdib mo - creepy. Naisip ko lang yan kasi may nabasa ako dati sa isang magazine tungkol sa mga multo at aswang na hindi na nawala sa tradition nating mga Pilipino at isa na nga ‘yung malaking tao daw na dumadagan sa dibdib ng tao at hihintaying mamatay - waahhh.. Anyways, buti na lang nagagawa kong maidilat ang aking mata at talagang nagagawa kong bumangon na ang hirap hirap pilitin. Tapos mapapansin ko na lang na nakatihaya pala akong matulog. Nung unang gabi na naranasan ko yan agad akong tumungo sa kwarto ni mama para ‘dun matulog, sobrang takot eh. Pero sa mga nagdaang araw na paulit-ulit at laging nagigising ng nakatihaya pala ako natutulog dinedeadma ko na lang eh ‘di magside-lying na lang o kaya dumapa na lang ‘pag matutulog.

Nakausap ko ang aking kaibigan na kapwa ko na nurse at sabi niya baka naman busog ako kung matulog. Haayyy ndi ko maalala, pero kapag nagising ako sa ganong “bangungot” ang sakit ng tiyan ko.. Siguro nga sabi nila nag-ooverwork daw ung pancreas ko - katakot. Dyan kasi namatay ang sikat na aktor eh, waaahhh sige na nga pilitin ko na lang na tumagilid ‘pag natutulog nakakangalay kasi kaya napapatihaya ako eh. At sa iyung busog akong matulog, hindi ko matandaan talaga. Kumakain naman kami ng saktong 7pm at natutulog ako ng 11pm tapos ung “bangungot/overwork ng pancreas” eh halos 2am - 3am nangyayari. Haayyy naku, babawas-bawasan ko nalang yung carbs sa pagkain ko ‘pag gabi. Ayaw ko pang mamatay, kapag may pamilya na ako saka na, hahaha…
Sa tingin ko dapat maghanap na ako ng katabi para hindi ako makakaranas ng ganito, siyempre kasi nakaside-lying eh - naghahanap ng mayayakap. Hahaha…
Napapansin ko kahit na taga medical field ka minsan ‘pag nagpapanic ka hindi mo rin maalagaan ang sarili mo, mabblanko ka rin at hihingi ka talaga ng konsulta.. haha…




