Uno Dos
June 30, 2008Tres, Kwatro?? Wala naman po akong binibilang at lalong hindi ako espanyol para sabihin ang mga salitang yan. Hindi rin po ako nagbibilang para sa step ng isang sayaw, dahil pabaliktad ako magbilang pag sumasayaw. Wala rin po akong binibilang na pera, dahil wala naman po dapat bilangin. Hindi rin po yan isang channel ng isang telebisyon na paborito ko dahil ang mga channel na yan ay directory ng local cable sa aming telebisyon. Pero pwedeng halaga ‘yan ng mga nadagdag na piso sa mga madalas na gastusin at binibili sa merkado. Pero ang totoo ay iyan ang sinasabi kong salita sa tuwing magpapagupit ako sa barbero.
Madalas uno ang sinasabi ko sa barbero, natipuhan ko lang ang gupit na ito dahil nagmumukha akong rapist malinis tingnan at dahil na rin sa nagsasawa na ako sa pag-aayos sa aking buhok na medyo wavy at sa hirap na akong mag-isip kung paano ang look ng buhok ko kaya naisipan ko na lang ipa-semikal o uno. Sa unang gupit sa akin ng uno nagmukha akong maangas tingnan… aba ayokong isipin na mukha akong maangas kasi wala akong ibubuga sa basagan ng ulo. Inisip ko na lang na ito ay para sa aking mga fans - change look kumbaga. Dahil sa gupit na uno isang style lang ang nagawa ko dito para magmukhang kakaiba sa ordinaryong uno lang na gupit, pinagawa ko sa barbero ang guhit sa bandang gilid ng ulo ko. Hindi rin nagtagal nagsawa na rin ako sa istilo na ganoon kaya nakuntento na lang ako sa plain uno na ginugupit sa akin ng barbero. Masaya naman ako sa gupit na ganito madalas lang ako magkaproblema sa gupit na ito dahil sa sobrang ‘nipis na halos kita na aking anit at ang halos kitang ugat sa aking sentido na hindi natatakpan ng buhok at ang panghuli ay ang pagiging hindi disenteng tingnan para sa pag-aapply ng trabaho. Mukhang disente dapat para hindi masyadong nasstereotype na maangas kaya ko naisip na pahabain sa uno ang gupit. Kahit na semikal o mas mahaba pa sa uno ay sa tingin ko magmumukha akong disente at hindi nakakaintimidate tingnan dahil sa mga stereotypes. Nagtungo ako sa aking suking barbero sa SM, marahil alam niya ang magiging tipo ko bukod sa gupit na uno. Umupo at naghintay sa pagdating niya at heto na siya:
Barbero: O, ano gupit? Uno pa rin?
Ako: Hindi po, may mas mahaba po ba kayo sa uno?
B: <ipasok ang mahinang tawang demonyo rito> meron, siyempre dos!
A: <ipasok ang pekeng tawa rito>
Sabay kuha ng ikakabit sa electric shaver at pinaandar na at nagsimula ng ahitin ang aking buhok sa ulo gamit ang dos na ikinabit. Sa oras na pag gugupit niya sa akin eh medyo naalibadbaran ako sa kanya dahil sa mahinang tawang demonyo na kanyang ginawa gusto kong kunin ang pulbos sa mesa at budburan siya ng powder, pang-asar ka ha!!! Malay ko ba, hindi ko nga alam kung ung uno na ba un eh sentimetro o pulgada ba eh, at meron kasi kaming electric shaver at sa mga pampalit eh may mga sukat na kasama tulad ng 3/8 cm., 1/8 cm. at marami pang iba. Ni wala nga akong nakita na mismong uno eh kaya malay ko ba. At saka inisip ko kasi na baka pinag-aaralan ng mga barbero ang mga sukat na ganon, na pag gupit nila sa unang pagkakataon eh may dala silang mga ruler para sukatin ang sinasabing uno at dos. At kaya nga ako lumapit sa kanya para alamin, oh siya dos na nga ang susunod sa uno kala ko may 1.2, 1.4, 1.6, 1.8 sentimetro o pulgada o wateber kung ano man yun. Sige na, ikaw ang barbero eh. Habang ginugupitan na eto ako at nagbabasa ng magazine nang bigla niyang ibuka na naman ang bibig niya para magsalita.
B: Dito ka ba lumaki sa Las Piñas?
A: Opo.
B: Ahhh, eh bakit maitim ka?
A: Kasi po, batang kalye po ako tuwing hapon, mga alas dos nasa kalye na po ako.
B: Ahhh, maitim ba magulang mo?
A: Hindi naman po, kayumanggi po sila.
B: Ahh, ganon…
A: errr…
B: Pero alam mo iba yung kutis mo eh, parang Mestizong negro ka.
A: <sa isip isip, meron ba nun?> Ahhh…
B: Namumula ka ba?
A: Oo, pag tumatawa…
B: Ahhh, iba yung kutis mo eh makinis hindi tulad nung mga maiitim…
A: …
Sa totoo lang gusto kong agawin sa kanya ang electric shaver at isungalngal sa loob ng bibig niya masyadong matabas ang dila kelangan paikilian na yan, kuya! Naalala ko tuloy ng minsan nagkaroon din kami ng pag-uusap.
B: Ano yang pabango mo?
A: Clinique happy po…
B: Bakit iba yung amoy? Hindi ganyan yung akin…
A: Ahh kasi po fake lang po ito galing sa Aficionado, imitation po…
B: Ahh kaya pala, magkano na naman yan?
A: Mga 180 po…
B: Ahhh kaya pala eh…
A: …
Hindi ko ba alam kung orig ba yung kanya o fake din tulad ng akin… Kasi sa totoo lang mabango ang pagkakaimitate sa pabangong clinique happy at bakit pa ako bibili ng pabangong orig kung pwede naman na pagkaubos eh bili agad nang hindi magiipon ng libo libo. Base sa sinagot niyang “kaya pala eh” ‘di ko ba alam kung orig nga ba kasi pwedeng orig kung ang karugtong sana eh kaya pala - mura eh. Pero pwede naman fake kung ang karugtong sana eh kaya pala - medyo mas mahal yan sa nabili ko kaya pala iba ang amoy… Iisipin ko na lang yung huli.
Medyo ginawang pampalubag loob ang pagkakasabi niya ng Mestizong Negro - hindi ko alam kung meron bang ganyan. Naku, alam ko na kuya bakit mo sinabi yan may gusto ka eh, nararamdaman ko.
Nang matapos gupitan hindi ako mapakali sa upuan ko kaya kinuha ko ang ikinakabit niya sa electric shaver na sinasabi niyang ‘dos’. Taena pano naging dos ito eh nakita kong sukat eh 1/4″ (6mm) cut. Bigla siyang nagsalita na naman - ayan nakalagay oh, dos. Takte talaga isa rin akong tanga eh ang sinasabi niya pa lang dos eh nasa itaas lang ng mga sukat na tinitingnan ko, isa siyang number kung pang-ilan siyang panukat dahil may 10 ganon na ikinakabit sa electric shaver. Ang nasabi ko na lang eh “ahhh okay, kasi meron din kami niyan hindi ko alam paano gamitin eh” - sabay alis at punta sa cashier.
Haayyy tulad nga ng sinabi ko may gusto ka…….. pagkabayad sabay alis ng shop, oo gusto mo ng tip… Mestizong negro pala ha… Wala kang tip.
Takte talaga oo nga no ang susunod sa uno eh dos, nakakahiya ang tanga ko.
Previous Comments
ay bading ba un?
anyway, pampalubag loob b ang masabihang mestizong negro? actually may friend akong moreno..nasabihan ng pinsan kong mestizuhin ang itsura, kumbaga prang nangitim lng..baka ung siu, ibg sbhin ni kuya eh pang International ang kulay mo at kutis pangmayaman!hahaha..alaga ng ******* soap.
at kmusta nmn ang panlalait sa Perfume, naku tsong kung ako un…tatanungin ko sya “orig ba ung siu? magkano ba?” ng magkaalamanan na…tapos sbhin mo praktikal ka lang! aba nmn! hehehe
alam ko nmn yang uno-dos-tres since mga friends kong guys eh nagpapagupit ng ganyan..kaso may isa pakong alam na uno-dos-tres eh…jepp2 scale! NYAHAHA!
Posted by iyay at June 30, 2008, 2:54 pm@belle: ndi naman siya mukhang bakla.. mapuna lang siguro… hehe.. oo makinis ako, gulat nga ako eh.. oo may gusto siya sa akin, gusto niya ng tip… malaki kasi ako mang tip eh.. hahaha…
Posted by jepjep at June 30, 2008, 3:14 pm@iyay: talaga? may mestizong negro? haha.. nasabihan na rin ako dati ng ganyan bukod sa barberong un di ko na nga lang maalala kung sino… meron pala nun…hahaha ung sa perfume gagi un eh.. inisip ko nlang ung huli nga… hahaha ang bad ko.. hahaha jep2 scale? oo nga no.. ikaw ha.. kung ano ano iniisip mo…
Posted by jepjep at June 30, 2008, 3:17 pmngayon ko lang nalaman na may mga numero yan … mas tanga ako .. hehe
Posted by jericho at June 30, 2008, 6:49 pm@jericho: tie na tayo kasi sinabi lang sa akin yan… babae pa ang nagsabi hahaha… pareho na taung tanga… hahaha…
Posted by jepjep at June 30, 2008, 7:38 pmmisyadong madaldal yang barberong yan. BARBERO nga!
Posted by L ♥ at July 1, 2008, 9:25 pm@L(heart): hahaha di ko alam kung pano ung heart eh.. anyways.. si leyn napadalaw sa blog ko woohhooo… aba, ngaun ka lang ata napadalaw.. naku sanay na ako sa kadaldalan niya… mabait naman siya eh.. makwento siya pero gagi lang tlga siya hahaha…
Posted by jep at July 1, 2008, 9:56 pmbait mo naman, kasi sinasagot mo eh. Pag ako siguro tinatanong ng ganun, di ko sasagutin, kunyari di ko siya naririnig. Titigil din.
@ely: mahirap ndi sagutin un eh baka kasi babuyin niya ang gupit ko kahit na semikal lang hahaha.. ikaw ha bad ka! hahaha.. wag ganun…
Posted by jep at July 2, 2008, 4:35 pmpakilamerong barbero hahaha wla tuloy tip ang loko
Posted by chellie at July 2, 2008, 8:03 pm@chellie: namimigay naman ako ng tip sa kanya eh… galante nga ako eh.. basta tahimik lang lagi siya okay na sa akin un.. mas malaki pa kung mamasahiin niya ako.. hahaha.. prinsipe umasta eh..
Posted by jepjep at July 2, 2008, 8:12 pmnako, baka naupakan ko yang barberong yan. hahaha
ang tsismoso naman nun. buti hindi mo natip-an.
di ko pa natatry magpagupit ng semikalbo.
di ko lang siguro trip. hehehe
mas gusto ko inaayos ang buhok ko ng halos 45 mins. haha.
@ced: takteng yan 45 mins? hahaha… ayoko ng nagaayos na… kasi kahit anong ayos ko sa buhok ko magulo pa rin eh.. pag semikal… ayos parang kakalaya lang.. hehe..
Posted by jep at July 3, 2008, 2:59 pmhi ……………………………………………………………………………………………………………………….
friend..add mo naman aq oh…e2 email adddddddq,anacristy_14@yahoo,com ok>……………..
*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:19 amPlace of every heart certain, always a memorial brandish does not come loose.
Posted by MBT Shoes at April 20, 2011, 5:36 pmI am happy i read it. They are worth to read.
Posted by Burberry Outlet Sale at August 31, 2011, 3:33 pmThe Burberry Outlet positive marketing the latest hits at the moment. That’s why thousands of people cultivated a huge fan of them worldwide. Interestingly, the fact that online famous Burberry Bags, Burberry Outlet Online to save the world.
Posted by Burberry Outlet at September 11, 2011, 2:08 pmchaoying Made from duck down, the collection Moncler is renowned for its warm but lightweight pieces which take you from winter holiday to the city’s most fashionable wardrobes.Luxury range of men’s and women’s ski sportswear for winter and slopes available online now.Glistening nylon from France,Moncler Doudoune filled with warm down, provides sporty style for weather-resistant fun.French company’s coats and jackets,Veste Moncler balanced fashion style and function of the necessary sexy. Everyone wants to look good and keep warm. La comparsa di Moncler Doudoune Homme è stato aggiornato ogni year.They sono classici e adatti per il vostro viaggio.Moncler Doudoune Femme always can better to show you the different temperament to make you look more powerfulMoncler Angers .Si può controllare la qualità,Moncler Popstar l’autenticità e l’origine del prodotto in qualsiasi momento. Moncler Loire è sufficiente eseguire un controllo utilizzando il codice presente sull’etichetta cucita all’interno di questo indumento.When it comes to the
Moncler Angers,what we know is that it is famous in the world.
Moncler Scarf & Caps It is made of top materials and is really warmness in cold weather.Moncler Nantes with puffer style can look more fashion to go outsite. Moncler Doudoune Eric Soft material and lightweight of this coat will be your best choice. Moncler Branson is the latest popular, unique style and very fashionable.Moncler Quincy Once you got it, you will find that it worth paid. This collection is in bright color, Moncler Boots with elegant style and keeps you warm.Moncler reveals your charming temperament, highlights your noble charm and adds urban lady look.
Timberland Boots Crafted with premium waterproof leather and built with the durable, long-lasting quality we’re famous for.There’s just no substitute for a sturdy, guaranteed waterproof Timberland Boots Sale to keep feet comfortable and dry, rain or shine.Cheap Timberland Boots all deliver on the promise of long lasting durability, fit and comfort.Timberland 6 Inch Boots offer incredibly durable construction, paired with a host of features that Timberland Chukka Boots make use in work and outdoor environments both comfortable and safe!We like to think of
Timberland Roll Top Boots as the role model for all of the other boots we make today.The Timberland Classic Boots features rugged Nubuck leather uppers, a padded collar and removable cushioned insoles.Timberland introduced its first waterproof Timberland Custom Boots.This is a excellent place that people who love sports and exercises to find the most stylish
Timberland Snow Boots with full collection at reasonable price. Simple details and the brands signature quality make this Timberland 14 Inch Boots a great addition to any wardrobe.Womens Roll Top Timberland Boots have grow to be regarded as revolutionary method of fusing the waterproof leather, exclusive anti-fatigue technology, rugged durability and exceptional craftsmanship.All styles of our Womens 6 Inch Timberland are popular which are typical high-quality Timberland Boots UK made of sheepskin rubber soled leather exterior and strong at the bottom.They can offer you perfect care and the most comfortable feeling! Waterproof is the main feature of the
Timberland Boots Sale which is widely used to keep feet dry away from rainy water.
Timberland Boots are made with superior craftsmanship and quality materials for rugged and dependable wear.




ahaha… mestizo k nmn tlga ahh.. tgal n kya nmin npansin yan.. tgnan mo nga nung uminom tau, nmu2la cheeks mo.. naks!!.. [well, atleast MAKINIS ka daw!! argghh… inggit atoh]
bwisit ung bakla ha.. andaming pinapansin.. hay nku! wala lng masabi yun.. ndi mo cguro xa knkausap.. ayn tuloy, more2 papansin xa sau.. uyyyyy.. may gusto xa!! may GUSTO xa SAU!!… *roarrrr*
Posted by belle05 at June 30, 2008, 2:05 pm