Home » Post Item » may problema ako

may problema ako

July 16, 2008

Halos dalawang linggo na akong namomroblema ng malaki. Okay, hindi ko na pahahabain ang entry dahil umeskapo lang ako para makapagblog lang. I’m in the middle of a dilemma of choosing either to attend a review center class or have a self-review. Shit, english! Mahirap talagang magdesisyon at pumili lalo na kung alam mo na sa review center eh maraming nakapasa at may napatunayan na - yup, iniisip ko ang magself-review. Kapag nag review center ako malaki ang gagastusin at higit sa lahat nakakahiya na kay mama dahil 1 year na akong tambay at eto ako may gagastusin na naman. Plano ko na mag review kahit hindi pa lumalabas ang aking eligibility mula sa US para naman maihanda ko na ang sarili ko if ever dumating na at siyempre kahit papaano may nalalaman na ako. Minsan nakakatamad din na mag-aral kasi parating yun na lang ang ginagawa ng isang nars bago makamit ang pinapangarap na trabaho - may malaking sweldong trabaho. Mahirap kumbinshin ang sarili na maipapasa ko ito lalo na kung lahat ng nakapaligid mo eh nagsasabi na maganda nga ang dulot ng Review Center dahil na rin sa mga tips at kodigo tulong na kanilang binibigay. Hahasahin ka nila sa napakadaming exam at sa bandang huli malalaman mo rin agad ang resulta. Sawa na ako kasi kahit naman mapareview center nuon (local) at self-review ngayon puro mababa at hindi kaaya-aya ang resulta ko sa  mga pagsusulit at kung magrereview center ako baka lagi na lang ako umuwi na malungkot at depress - hindi ko ba alam kung nakakatulong ba yun. 

Salamat na lang sa mga kaibigan ko na naniniwala sa kakayahan ko at kahit sila mama at kuya eh nagsabi na ‘kaya mo yan, mapapasa mo yan’ - gosh, pressure!!! 

At dahil sa malaking tulong ng net, napagtripan kong ilagay sa stat message ko sa ym ang katagang ‘kagat labing paslit is sad’ siyempre nagulat ako ng may magPM sa akin, ito ang usapan namin: 


mho-niyer: bkt lungkot jep jep?
ian: kasi sikret
ian: haha
mho-niyer: la lng
ian: ndi ako malungkot… sad ako
mho-niyer: ask ko lng pow
ian: haha
mho-niyer: i mean bkt sad?
ian: haha
mho-niyer: dba same lng un? gahahahah
ian: wala lang… about sa NCLEX
mho-niyer: awwww bkt
ian: kasi dapat ndi nlang ako nag apply
mho-niyer: awww tae
mho-niyer: wag ka mgsisi
ian: eh kasi nakikiuso lang kasi ako.. haha lahat kasi kau nagapply ng NCLEX kaya nagapply na rin ako… isa pa pala nagapply ako kasi kala ko ndi ako papasa sa local.. haha leche.. bara bara eh
mho-niyer: awww tae nmn
ian: tapos nagapply ako dyan eh ni wala naman akong kamag-anak sa california haha leche tlga… nakikiuso eh
mho-niyer: awwww
mho-niyer: tae
mho-niyer: wag ka nga mgsalita ng gnyan
mho-niyer: if ever na makaalis nmn kami sempre ndi ka nmn papabayaan
mho-niyer: lalu naku.. an dami mong tinulong saken.. anu ba nmn ung isama kita dun sa bahay dba
ian: awwwwww touch naman ako
ian: medyo bitter ako kasi kau nageexam ng mahirap na mahirap… kasi actually nakakatulong un.. sa gapuz sobrang hirap nakatulong siya..
mho-niyer: hehe ndi nmn mahirap eh.. boba lng tlga ako
mho-niyer: haha
ian: gagi

 
Kung nagtataka kayo sino ako diyan ako po si ‘ian’ -second name ko yan. Si +mho+ ang kausap ko at siya po ay lalaki. Muntik na akong humagulgol mapaiyak sa sinabi niyang patitirahin niya ako sa bahay niya sa California, pero sana mho huwag mo akong gawing alila duon ha. Teka nga muna, hindi pa nga ako sure na papasa ako eh. Umaambisyon lang!, nangangarap ng gising. Sabi kasi nila isa akong consistent na ‘pessi’, hirap ng maging optimistic eh baka pag bumagsak ako eh di para akong lumagapak sa lupa na nagmula sa 10,000 palapag na gusali.

Bago pa humaba ang entry ko rito mas maigi na mag-review na ulit ako, nagdadrama lang ako…

Baka mawala muna ako sa blogosphere, mahirap na baka mawili ako sa kakabasa ng blog ng iba at sa kakatawa eh biglang maisukli eh kakaiyak…

ta-ta!

 


Posted by jepjep at 12:36 am | permalink

Previous Comments

gusto mo ng payo? magaling ako sa mga payo payo eh…

ang payo ko sayo mag-asawa nalang. bakit ganun? kasi para di ka na mahirapan mamili kung nclex o self review. iisipin mo nlang kung mag aasawa o hindi. haha. sana nakatulong ng MALAKI.

Posted by The Islander at July 16, 2008, 1:22 pm

@islander: huwaw grabe mag-aasawa ako? eh ndi pwede kasi wala akong pera… hahaha… at saka isa nga akong torpeng ngsb.. mahirap.. hahaha lahat na mahirap eh.. pero i’ll consider that pag ndi ko na tlga kaya… haha

Posted by jepjep at July 16, 2008, 3:30 pm

JEPPPPPPPPPPPPPPP! eh kmsta ba kasi home review? pag natutuwa ka nmn s gnun at kampante ka, GO! if endi ka kampante magReview Center kna! at wag mo muna isipin kung babagsak ka or papasa. isipin mo muna kung maganda ba performance mo s pagrereview.

at oo nga, magasawa ka na lang! hahahaha

Posted by iyay at July 16, 2008, 6:47 pm

@airah: bahala na.. kung hindi ako kuntento sa home review eh go parin ako.. ndi ko tlga icconsider ang review center ngaun.. bahala na kung may magsabi after all ng ‘buti nga sau, ayaw pa kasing magreview center eh’ pero macoconsider ko siya pag un nga bumagsak na ako…
hindi muna ako mag-aasawa, sige hanapan mo ako.. hanapan mo lang ako ha.. ako na bahala.. hahaha…

Posted by jepjep at July 16, 2008, 6:56 pm

aba jep!! d attack of pessi n nman ba e2?? ahahaha… prang ganyan ka din nung Local ha.. pro look!.. napasa mo nman e!!.. ala ka lang tlgang bilib sa srili mo.. w/c is nkakainis kc super bilib kami sau.. tignan mo nga… ikaw lng nkksgot stin ng mga mhi2rap na tnong. HS perps ka dba?!! kaya GO!!.. matatalino mga taga Perps e..^^,

bsta kng san ka confident edi go lng ng go!!… kung mas feel mo mgself review, edi y not?!.. wala nman yan sa review center, remember??.. asa tao yan!! tao!!..

Posted by belle05 at July 17, 2008, 2:03 pm

jepp, ok lang yan if you decide to with the home review thing. tama sila, wala naman sa review center yan. besides, iisa lang naman ang source nila ng review questions (ad ng Saunders to siyempre, hehehe). kaya go, and you have lots of time pa naman. buti nga you started na as early as now, at least nakikita mo na yung strengths and weaknesses mo on certain topics para makapag-plan kna on what topics you must focus on.

if it helps, may mga kakilala din akong self-review lang, and they pass with flying colors naman. so, go go go lang.
hope this helps. *winks*

Posted by jamir at July 18, 2008, 3:33 am

@belle: gagi ka tlga, ano naman kung gradweyt ako ng perps nung HS? ibang level kasi ito eh.. mas nakakatakot kasi mahal ng application at kung ano ano pa.. unlike sa local pag bumagsak re-apply lang kasi 900 lang ang fee haha..

Posted by jep at July 18, 2008, 9:39 am

@jamir: huwaw 3am ka na nagcomment kariran ka rin sa pag review eh haha.. haba ng comment mo ha… yung mga nakapasa nga na self review eh yan ang mga inspirasyon ko siyempre lahat ng pumasa pala.. hehehe…

Posted by jep at July 18, 2008, 9:42 am

Greetings Pinoy!

I’m 17yro Kevin Paquet from Davao City, currently blog hopping!
Can we exchange links? My website is pinoyteens.net
Hoping to know you better and that we’ll have a happy blogging relationship!
If you accept our link exchange request, please comment back on us so that we’ll add you then :) [hirap mag monitor ng mga responds sa comments namin sa dami ng blogs na dinalaw ko]

ps: you can also add me on ym if you want: i.believe_11

Salamat po!
We’ll leave on topic comments next time, sorry for this offtopic one, kaya nga naghahanap kami ng link exchanges to also exchange good comments in future ^^,) bow

Posted by Kevin Paquet at July 20, 2008, 12:18 pm

huwaaaw ribyu ito. shyet, wag ka na magribyu, mapapariwara ka lang..

-sensha na, napadaan lang. :D

hahaha apir!*

Posted by mahiwagang_sibuyas at July 20, 2008, 9:02 pm

mukhang kailangan kong paulit ulitin sa utak ko ang mga huling salitang binitawan mo ah. :) )

Posted by kingdaddyrich at July 22, 2008, 4:30 am

panindigan ang huling salita.
konting sacrifice won’t hurt.
and for sure, pagbalik mo e iwewelcome kita with a bang! hehehe

ingats palagi=]

Posted by ced at July 22, 2008, 9:41 pm

aba busy pala si manong..

kaya pala antagal mag update,
kaya mo yan!
gowh! jep jep..hehe

good luck,,

Posted by enday at July 23, 2008, 5:32 pm

wag kayong ganyan, jeppy. magrereview pa tayo di ba. di ba? haha.

oh well up to now, hindi pa rin tlga ako decided whether to ake formal review or not, masyado kasing mahal. sabi ko ibubulsa ko nlng, may pera pa ko hehe.

tma si cip, hindi naman sa review center yan eh nasa nagrereview yan, kasi sino ba magsasagot sa questions d b yung nagreview?! kasi naman may pagka goldfish ako. haha.

pag nagbago isip mo, txt mo lang ako ha. ako din, pag nagbgo isip ko ttxt kita haha. gulo.

Posted by icka at July 28, 2008, 8:35 am

@kevin: aba nagplug pa ng blog niya.. teka anong meron sa pinoyteens? sori busy kasi ako eh hahaha.. joke lang.. try ko pag ndi na busy..

Posted by jepjep at July 28, 2008, 2:06 pm

@mahiwagang sibuyas: naku naman pinapaiyak mo naman ako eh, hiniwa ka ba? ayoko magpariwara, baka magkapamilya agad ako… noooooooo.. T_T hahaha

Posted by jepjep at July 28, 2008, 2:07 pm

@kdr: aba dapat lang.. kasi nagrereview ka rin, at dapat karir level - mataas!! hahaha..

Posted by jepjep at July 28, 2008, 2:08 pm

@ced: sige salamat ng marami… alam ko naman eh sino pa ba ang magtutulungan? eh di taung mga health care team hahaha… sige doc gudlak din sau..

Posted by jepjep at July 28, 2008, 2:10 pm

@enday: naiboto na kita ng maraming beses… hehe isa palang pala.. hehe.. oo busy ako eh.. pag ndi na ako busy may update ulet.. haha.. mananalo ka dyan sa idolblog na yan.. karir dapat sa pagpilit.

Posted by jepjep at July 28, 2008, 2:11 pm

@icka: naku icka, review ka na rin… tama na ang pagttrabaho nakakasama yan sa utak haha.. aral na.. kilalanin mo maigi si silvestri ng maigi.. close na kami nun eh.. pati si oiyah close na rin sila.. hehehe.. ipapasa natin ito icka.. go go go

Posted by jepjep at July 28, 2008, 2:12 pm

hi there! i hope you could vote for me at the philippine blog awards. I am nominated for

the blogger’s choice category. here’s the link

http://makoyskie.blogspot.com/2008/09/help
-me-win-bloggers-choice-award-of.html

maraming salamat in advance.

Posted by makoy at September 19, 2008, 12:21 pm

Add a comment