Home » Post Item » mamili sa dalawa

mamili sa dalawa

September 22, 2008

Career o Lovelife…

Madalas kong marinig sa mga artista yan, sa mga host ng show at minsan nababasa ko rin sa dyaryo. Sabi ng isang famous talk show host na:

kapag masuwerte ka sa career malas ka daw sa lovelife

at kapag masuwerte ka naman sa lovelife malas ka naman daw sa career

Oo pansin nga yan sa mga artista, isa sa nakakabaliw na problema ng mga artista. Haaaayyy, my gulay! Applicable din ba yan sa mga hindi artista? Tulad nating mga ordinaryong tao na look-like-star lang? 

Kapag career mo ang punong-puno nawawalan ba ng time sa lovelife? Masyado bang nakakaenjoy ang subsob sa trabaho? Para sa akin mas natutuunan kasi ng konsentrasyon ang bagay na magpapayaman sa iyo, hahaha… lalo na siguro kung lalaki ka dapat lang na magpayaman ka dahil hindi pa rin nawawala sa tradisyon ng mga Pilipino na ang lalaki dapat ang maging breadwinner. Magalit na ang mga babae bahala kayo. Sa lagay ng mga babae para sa akin dapat din na magpayaman, wala lang, investment lang naman.

At kapag lovelife mo naman ang bonggang-bongga, sige ikaw na ang bida. Madalas kasi na ito ang kinaiinggitan at gustong gusto na makamit. Pwede ka rin naman sumubsob sa kapartner mo, ibigay mo ang oras mo sa kanya. Pwede rin na gumastos ka sa kanya, aksayahin mo ang pera mo sa kanya… Hahahaha ang bias ko, pasensya wala akong alam sa lovelife eh (kung bakit look at my header) - it’s like a coke.. you know, zero.

Pero nung una ang tingin ko sa ganyang sitwasyon mahirap pagsabayin, kakainin ng madaming oras ang mga bagay na ganyan. Maaari kasing mawalan ka na ng social life at personal life kapag pinagsabay mo ang dalawang bagay na yan. Pero depende pa rin one side lang kasi ang nakikita ko at siyempre bilib ako sa mga taong napagsasabay nila ang pagkakaroon ng minamahal at ang pagkakaroon ng career. Marami rin naman ang nagsasabi na unahin muna ang career dahil investment ang labanan at sigurado ka na sa future mo pero depende pa rin yun kung mayroong magandang career na naghihintay naman sa iyo. Marami rin ang nagsasabi na hindi naman masama ang magkaroon ng lovelife habang tumatakbo ang career mo dahil pwede mo naman maging inspirasyon yun, pero depende pa rin yun kung marunong umintindi na medyo kukulangin ang oras sa isa’t isa.

Ngayon para sa akin hindi mo naman kailangan mamili eh, kung pareho mong maibibigay ang time mo at sa tingin mo na walang magiging problema pwedeng pwede na karirin ang dalawa. Pero siyempre kung pagsasabayin  mo dapat lang na mabalanse mo at matutong magcontrol. Mag-control tulad ng huwag na huwag munang gagawing magulang ang sarili, huwag kang mahiya na bumili ng condom dahil pag nagkataon malaki laking sahod dapat ang kakailanganin mo. Pero siyempre depende pa rin sa tao kung ano ang pananaw nila sa bahaging yan, para sa akin may kanya kanya naman tayo ng kagustuhan at kung ano ang pinili natin dapat lang na enjoyin natin.

Pero kung ako ang tatanungin at dahil showbiz ako siyempre pipiliin ko ang career dahil makakahintay naman ang lovelife at siyempre at the age of 50 I’m sure still potent, hahaha!

 

dahil hindi mo mabibigay ang 100% mong attention kung pagsasabayin.
Parang kasabihan namin mga lalake.. pag swerte sa sugal malas sa babae
pag malas sa sugal swerte sa babae.

 

 


Posted by jepjep at 6:23 pm | permalink

Previous Comments

mga nagsasabing karir muna eh mga taong wala talagang lablayp..tulad ko, siempre sasabihin kong karir muna dahil anak naman ng sampung buwaya walang magkamali! or ako ang ayaw magkamali?

at kung my options ako mas pipiliin kong pagsabayin ang dalawa, sa age group natin endi na naman uso yung panghayskul style na dapat maya’t maya magkasama at magkausap, sa gantong edad sapat na naman siguro na nakapaglalaan ka ng oras sa pakner mo at basta stay faithful [which..is…difficult for the boys! hahaha BIRO LANG] may 24hrs tayo, may pitong araw sa isang linggo, pagaralan mo na lamang ang time mgt at for sure happy ang lablayp at karir mo nyan nang hindi nasasagasaan ang oras sa pamilya,kabigan,sarili at iba pa. tipid-tipid lang sa paggamit ng oras, wag mo na lubusin at talagang masho-short time ka nyan!

Posted by iyay at September 22, 2008, 6:43 pm

nice..aus come back topic mo ah!well..sa tingin ko nga tama ung sabi ng iba na “kapag swerte ka sa pag-ibig malas ka sa carreer” look at me now ahahaha!tsk! walang magkamaling kumuha sa kin..hindi ba sila bilib sa kakayahan natin??naman!ang hirap magaral tapos wala palang trabaho na naghihintay ahahah!well..para sa kin ulit hindi naman mahirap pagsabayin as long as kaya mong ibalance ung time mo..gaya na din ng sabi nga ni iyaytot..^_^
maganda ang commento ni iyaytot..i agree with her! *wink*

Posted by jbernadine at September 22, 2008, 6:56 pm

@ airah: oo tama ka pag nagsabi ng karir walang lablayp kasi pag sinabing karir at may lablayp lagot sa kajowa hahaha.. choosy ka lang kasi, daming nanliligaw eh.. sige na nga joe d mango ka ha.. hahaha

Posted by jepjep at September 23, 2008, 10:07 am

@ jbernadine: ahhh basta nclex go go go tau.. career un ha!! hahaha.. gagi kasi ayaw maghire ng mga nyetang hospital dito na malapit sa atin.. haaayyy…

Posted by jepjep at September 23, 2008, 10:08 am

wow… lufet mu din… grabe na yan ah
wala pareho.. paanu yun?
hahaha zero sa lablyp,
zero pa sa career?
anu nman masasabi mu dun
di ako nakarelate… joke
hindi maganda..

Posted by kosa at September 23, 2008, 10:10 am

@kosa: sinabi ko bang zero ako sa career? dun ako ngayon nakafocus, nagrereview for a better opportunity… bata pa ako at parating na ako dyan.. hintayin niyo lang hahaha..

Posted by jepjep at September 23, 2008, 10:36 am

bsta tlga yun! pag successful kna sa 2 bagy n un, pede kna mamatay! ehehe… joke! excuse ko yan sa sarili ko e.. Kosa, parehas lng tau! apir! hehehe… zero lahat! buti nlng andyn kau fwends.

cge mgpayaman k muna jep! ayw ko rin n may lablyp ka e kc may mka2hati n kmi sa mga libre mo!! ayaw!!.. hehhe…

Posted by belle05 at September 23, 2008, 5:30 pm

batas pla! ampfufu!!..

Posted by belle05 at September 23, 2008, 5:34 pm

unga jepp, baka magselos kami pag nkita ka naming may ksamang babae na nakain sa labas, lalo na pagnalaman namin na treat mo! NOOOO!!!!!!!!! kmi na lang i-date mo..khit pagsabay-sabayin mo p kming i-treat d kmi magagalit! :D

**auko sa knila…gs2 ko sa isa lang.
ayaw nya din sakin gs2 nya sa madami! hahaha**

Posted by iyay at September 25, 2008, 6:28 pm

@iyay: **auko sa knila…gs2 ko sa isa lang.
ayaw nya din sakin gs2 nya sa madami! hahaha** - ano kamo? ndi kita nagets.. hahaha abuso kau ha.. kau naman manlibre!! hahaha

Posted by jepjep at September 25, 2008, 7:21 pm

@belle: nagttantrums ka na naman eh.. iba ang libre sa friends at iba rin ang libre sa gelpren hahaha…ito tlga..disbanded ka na nga rin sa tropa natin eh.. umaapila ka pa dyan.. ahhaaha

Posted by jepjep at September 25, 2008, 7:25 pm

i’m sure pwedeng pwedeng pagsabayin

woof!

Posted by bryan at September 28, 2008, 9:22 am

@bryan: oo nga naman pwede nga naman pagsabayin.. pero sige kau yan eh hahaha.. sige na nga! I agree..

Posted by jepjep at September 28, 2008, 10:29 am

karir din ako.. kelangan ko ng pera.. dahil mahirap magkalablayp na walang pera.. hehe

Posted by FerBert at September 29, 2008, 12:23 pm

kaya pla wla akong karir eh, kc may lablyf akei. haha ewan. ang alam ko lang nasa pagdadala yan, actually mahirap talaga kasi kalaban mo oras, pareho mong dapat ibuhos yun sa pareho mong gusto sa buhay.

nga pla, lumipat na akei sa bagong tahanan.
http://ickaissimo.wordpress.com/

Posted by ickatot at September 30, 2008, 9:06 am

@ferbert: oo nga no.. grabe para tlga magkalablayp dapat may pera.. shet… kelangan ko na tlga magkawork hahaha.. easiest way ba un? hirap nga eh.. taena! hahaha

Posted by jepjep at September 30, 2008, 10:29 am

@ickatot: aba naglipat bahay ka na naman.. nakakatatlo ka na ha.. hahaha… ang yaman.. bakit wordpress? alam mo sinubukan ko dyan pero di ko na naman carry ang css hahaha..
oo mahirap nga yan oras oras.. ano ka ba.. napagsabay mo nga eh,, remember nagkawork na naman eh at hanggang ngaun okay pa rin kau.. lapit na nga anniv eh.. saan niyo kami ttreat? haha

Posted by jepjep at September 30, 2008, 10:32 am

ahmm.. ititreat namin kau sa… hmm.. surpreesa. ssshh.. wag mong batiin baka di umabot haha. napagsabay nga namin, pero sa totoo lang ang hirap super, iniisip ko nga pano pa kaya kung may pamilya na (advance eh noh), pero totoo kaya nga di ba nung before ako magresign medyo nagkalabuan.

Posted by ickatot at September 30, 2008, 4:33 pm

@ickatot: kasi walang time? at list nasalba ung relationship niyo and i’m very happy with that.. grabe saksi ata ang c2 sa panliligaw ni emman at sa pagmumukmok sa puno ng mangga sa ilocos.. and eventually kinilig na din kami.. hahaha asawa advance naman.. pero aabot kau nyan.. kau pa.. puro nga kau comedy eh, healthy un sa relationship..

Posted by jepjep at September 30, 2008, 4:36 pm

Well, for me kaibigan, it’s hard to keep both love life and career at the same time. In my case before, my ex-boyfriend kept on demanding that we should see each other always. But I wasn’t able to make it because we’re not in the same school. We just stayed for a month because according to him, it’s useless if things would not change.

Siguro iba lang talaga kami ng pananaw. We’re both studying and at the same time student journalist ako. I needed more time to fulfill for my responsibilities. But I think it’s up to the person if how he perceives things.

If you are in a relationship, it doesn’t mean that you have to be together all the time. It’s how you trust, care, and love each other.

Posted by ambrucia at November 7, 2008, 12:42 am

Add a comment