buhay drayber
October 5, 2008Usong-uso talaga ngayon ang mga nag-eenroll sa mga driving school. Kapag sosyal ka driving school siyempre at kapag medyo gipit ka sa pera ay magpapaturo na lang sa kung sino ang marunong. Madalas marami akong nakikitang mga estudyante sa kalsada, minsan may sobrang mabagal at minsan naman may mabilis magpaandar. Pero tulad ng sa paaralan may pasaway pa rin kahit driving school na ito, may pasaway na gamit gamit ang dalawang linya ng kalsada at wala ka ng ibang pwedeng gawin eh kung hindi businahan at murahin siya sa loob ng iyong sasakyan. Pero dahil sa kanilang senyales sa likod ng sasakyan wala ka ng magagawa kung hindi ikimkim ang galit.

Dati rin naman akong naging estudyante at pareho kong naranasan ang turuan ng kakilala at turuan ng propesyunal. Medyo nakakatawa nuong ako ang tinuturuan dahil sa unang sabak pa lang eh may nakaaway na kami ng aking instructor. Ginamit ko lang ang driving school para mapadali ang paglakad sa aking lisensya at kahit medyo marunong ng magmaneho eh mas mabuti ng sigurado na marunong kaysa sa mayroong lisensya pero pang display lang pala.

Iba pala talaga kapag isa ka ng marunong magmaneho. Sa unang araw na natanggap ko ang aking lisensya, ay sumabak agad ako sa pagmamaneho kahit magkandaligaw-ligaw ako pwede naman magtanong kapag naligaw. Nandyan din ang magpepresinta ka na dalhin ang sasakyan kapag gagala kayo ng mga kabarkada mo sa unang pagkakataon, at ngayon na medyo nasanay na sila ayos lang kasi makakatawa na kayo ng malakas ng walang nakakarinig na ibang tao kaysa sa jeep na medyo nakakahiya pa. At ngayon na medyo to the highest level na ang pagkasanay nila tulad ng sabi ng isa sa +tropa+ na drayber na daw ako eh mukhang komportableng komportable na talaga siya na ayaw magcommute.
Hindi rin biro ang maging isang drayber, dapat kakabit ng tawag sa isang tao na drayber ay ang pagiging may alam sa sasakyan - kumbaga eh slight mekaniko. Unti-unti ko ng nalalaman ang mga dapat butingtingin sa sasakyan, marunong na ako magpalit ng gulong at sa daming beses ng na-flatan ako ay dapat marunong na talaga ako magpalit ng gulong. Dapat may alam ka rin kung anong mga nabibili sa car shop ng mga nakakaalis ng konting gasgas sa sasakyan dahil medyo mahilig bugbugin ang sasakyan namin kaya dapat may alam na ako duon. Alam mo rin dapat ang gagawin kapag natirikan ka sa kalsada at lately lang namin natutunan ang mga bagay na ganyan dahil na rin sa magandang experience na binigay ni +baby g+ ng tropa sa amin. Medyo natututunan ko na rin ang mga dapat gawin, pero ganon pala talaga kahirap maging isang drayber-slash-slight mekaniko-slash-maintainer nakakastress pala talaga.
Medyo matagal-tagal na rin akong nagmamaneho at ngayon eh naghuhumiyaw na ako, parang gusto ko naman maging isang pasahero. Iba na kasi kapag sanay ka ng magmaneho yung tipong ayaw mamalagi ang paa, kamay at mata mo sa mga pamilyar na lugar. Medyo malalayo na kasi ang sigaw ng paa ko mga tipong ‘off to go to bulacan!!!’, mga tipong NLEX na ang dinadaanan. Minsan masarap ang maging drayber lalo na kung alam mo yung pupuntahan at alam mo na may karelyebo ka pero mas masarap ang maging isang pasahero kasi hindi ka magsisisi sa bandang huli kung mapapapikit ka lang ng 10 seconds.
Sa isang drayber na tulad ko hinding-hindi pwede na hindi maging problema ang gasolina. Dati wala akong pakialam sa presyo ng gasolina dahil hindi naman ako ang nagkakarga kung hindi si mama. Ngayon ngayon ko lang naramdaman na ang gasolina eh dapat problemahin na rin, simula ng nagtaas ang presyo nito. Medyo nagtitipid na rin ako sa pagkonsumo ng gasolina at natutunan ko na rin na humingi na ako ng abuloy mula sa aking mga tropa kapalit ng kagustuhan nilang gumala, hahaha…
Pero dahil matiisin naman ako okidoks na ako sa pagiging drayber, isa rin naman itong talent at kapag ginusto ko talaga ang maging pasahero makakagastos ako ng malaki kung may drayber, yaman! Investment ko rin ito in the near future, gagamitin ko rin ito ang pagiging isang drayber. Drayber ng magulang, drayber ng tropa, ano naman kaya ang susunod?
Mapa-drayber ka o pasahero dapat may pera ka, malaking pera!
ok payn wateber!
Previous Comments
ayan gaya nga ng sbi mo jepp eh d2 ako magcomment?!?! tama ba??? d2 nga ber???
alam nio nmn mejo kulang brain cells ko pagdating sa hi-tech stuff…
aun nga… sbi ko nga d ako magcocomment. kc d wala naman akong masters at PhD sa pagiging driver… kumbaga sa conio slang eh “newbie” palang ako… at ndi ako marunong ng manual… otomatik lng ang ntutunan ko… ung tipong sasabhin mo lng sa car mo na “DALHIN MO KO SA MOA… MADALI!!!” at aun asa mall of asia ka na after 30-45minutes
mas gusto ko pa din magcommute… kc nkakapag sight seeing ako… ung mga panget nkikita ko… ung mga ndi naman kapangitan eh nkikita at naappreciate ko din…
unlie kung driver ako… kelangan nkatutok ako!!!
nkatutok??? saan??? sa kalye xempre… heheheh
hayun lamang… munting komento
Posted by PINAKAMASARAP at October 6, 2008, 1:54 pm“tulad ng sabi ng isa sa +tropa+ na drayber na daw ako”
wala nmn akong sinabing gnun ahh.. hehehe… guilty tlga e noh.. lam mo jep kung ndi dahil sau, ndi nmn mgeenjoy ang tropa ng sobra2 e.. hehe.. hobby kaya ntin mgroad trip.. wahehe… sobrang mahal nmin si advent e kya dpat sa lhat ng gala ksma xa. waheheh.. joke lng! pro atleast ngyon ganap na dryber kna!! to the point na ngtututlak kna rin ngyon ng sskyan!! hehehe… ganda ng experience ntin sa bebe G. unfrogettable tlga!
pwede bng excuse ako dun sa “may pera” issue n yan.. hehe.. tutal mrami nmn lagi tau e.. so pwede nmn khit d ako mgdala dba??.. xD
Posted by belle05 at October 6, 2008, 5:49 pm@airah: aba karelyebo pwede na nga actually eh… pwede na kitang maging karelyebo pag asa ATC o malalapit, pwede na rin if ever pupunta tau ng MOA… isasabak kita dun..
Posted by jepjep at October 6, 2008, 6:41 pm@jared a.k.a. PINAKAMASARAP: ok ok ok na nga, medyo mahirap nga makapagmasid masid sa mga tao kung ano ang latest na itsura no? ung itsurang pang 2030 o 1980s pa ung itsura.. ganon tlga ang drayber medyo OC eh tutok sa kalsada..
Posted by jepjep at October 6, 2008, 6:43 pm@belle: oo sinabihan mo ako ng drayber, aba aba nabingi ako eh, parang gusto kitang pababain ng sasakyan nun hahaha.. alam mo naman ako un lang ang panakot ko sau eh mukhang nageepek naman hahaha.. sira ka tlga, siyempre matulungin ako, siyempre tulak ng sasakyan is sisiw for me.. bakit ba niyo ako pinagtrtripan dun, nagtulak lang ng jeep eh.. amft tlga..
Posted by jepjep at October 6, 2008, 6:45 pmaba uso din pala ang mahahabang comment ha.. kakaloka magbasa eh.. hahaha, pero okay lang, salamat sa pagcomment
Posted by jepjep at October 6, 2008, 6:45 pmpacomment!pacomment!pacomment!ahahahahaha!
gusto ko man matutong magdrive eh takot ako sa kalsada ewan ko ba wala ata ako tiwala sa sarili ko na makakapagdala ko ng sasakyan on my own ahaha!and ayoko mawala sa tawanang sobrang lakas kapag nasa loob ni advent ahaha!at alam niyo ring lahat na sleeping baby ako kapag nsa biyahe kaya gustuhin ko man maging karelyebo mo jep baka masama ko kayo sa panaginip ko ahahaha!
tama ka mahirap talaga maging driver tsk!nakikita ko naman sayo ahahaha!lalo na kapag malayuang road trip ang trip ntin..^_^
SOBRANG SAYA AT ENJOY NAMAN KAMI naganap na outing eh!^_^
@jbernadine: tsongga sa una ganyan tlga sasabihin mong antukin ka pero kapag hawak mo na ang manibela, walang antok antok… super concentrated ka sa kalsada.. minsan pa nga nag eenjoy ka na pala..
Posted by jepjep at October 7, 2008, 10:46 amahahahaha! ayoko!ayoko!ayoko talaga magdrive ahahaha![arte eh!] ahaha!
pero parang ang sarap maka-experience na magdrive ahihihi! *inggitera minsan*
Posted by jbernadine at October 7, 2008, 11:53 ambasta ako, pasahero na lang ako. masarap maging pasahero eh. ano ba naman ang umupo at tumawa. haha.
sideline ka ba maging driver ko in the future? haha
Posted by ickatot at October 7, 2008, 6:25 pm@ickatot: basta swelduhan mo ako ng bonggang bongga, ung tipong yayaman ako ha.. tutal ikaw ang amo ko dapat lagi akong may increase!!
Posted by jepjep at October 7, 2008, 6:35 pmnako, nakasked akong magpaturo sayo ha!
hehehe
ingats parang jepjep=]
@ced: oo ba basta siguraduhin mong ndi mo papainitin ang ulo ko hahaha… salamat sa pagdalaw doc
Posted by jepjep at October 8, 2008, 8:15 pmoo very focused nga ang driver s kalsada..dba jepp? haha! huli aq eh, serious mode s driving eh!
)
ay..sasabak mo ko s MOA? e dba madaming chocolate men don! ayaw ko dun…bka masagasaan ko sila! haha!
partime ko lng ang driving..full-time passenger pa din aq! hehehe.. tama si ‘red eh, mkikita lht ang panget at magagandang view pg nakaangkas ka lang
Posted by iyay at October 8, 2008, 8:43 pm@iyay: hahaha grabe nga ang pagkaserious eh, kala mo nageexam hahaha… oo ndi ka huhulihin sa MOA kung susunod sa ka sa traffic lights, siguro naman masunurin ka db? hindi HINDI, bawat gala natin si baby G na ang sasakyan ko, at ikaw ang drayber! hahaha
Posted by jepjep at October 8, 2008, 9:03 pmnaalala ko naman yung kanta ng Eheads na Overdrive..
gusto ko talaga magdrive.. kaso 16 palang ako, walang lisensya, walang sariling kotse, hindi pa marunong magdrive! pero gusto ko na talaga magdrive para lang makapunta na sa lahat ng gusto kong puntahan..
ayun..
nagkwento na ko, wala namang nagtatanong.
ahahaha! ge po! napadaan lang si Gudang! x)




khit busy aq d ko maiwasang wag magcomment! aba nabasa ko si “baby-G” eh.
lamo kht d aq driver alm ko na ung gas2s s mga sasakyan since ang aking ina ay mraming pinagkkgastusan na Jeepneys at Van. siempre empathy itetch, pero iba pa din pag ikaw na mismo mayari OMG nakakaloka ang matirikan at matic ang bitbit! tama driver man o pasahero dpt may Pera just in case nakarelate aq SOBRA! knna bago umalis s laguna na-share q kila eman na: “pag pala matic ang dala mo dapat libo din ang dala mo” ampfuta tlga.
alam mo jepp willing aq magpakahasa sa manual, bka gs2 mo ng relyebo eh! hehehe…pero pagisipan ko pala muna kasi tama ka! masarap tlga maging pasahero!
Posted by iyay at October 5, 2008, 10:14 pm