Home » Page 2

i love moymoypalaboy

July 2, 2008

Yess… sikat na sila. Lumabas na sila sa Bubble Gang at gumawa sila ng bagong video ng Wanna Be ng Spice Girls… ehehe… nakakatawa talaga sila as in. Minsan kasi lumalabas sa likod nila yung nanay nila at parang walang paki sa kanila, hahaha… anyways commercial lang ito sa aking blog or pwede ring intro ng previous entry ko na +uno dos+

 

COMMERCIAL LANG… 

sige pwede naman ayusin yung bigote eh… hahaha..

 

as in super landi nila rito, uber!! hahaha.. nakakahawa ampotah!!

 

kung gusto niyo pa mapanuod ang mga videos nila na mga kalokohan search lang sa youtube for moymoypalaboy… thanks… i loooveeee themmmm… hahaha..

 

Posted by jepjep at 6:28 pm | permalink | comments[33]

Uno Dos

June 30, 2008

Tres, Kwatro?? Wala naman po akong binibilang at lalong hindi ako espanyol para sabihin ang mga salitang yan. Hindi rin po ako nagbibilang para sa step ng isang sayaw, dahil pabaliktad ako magbilang pag sumasayaw. Wala rin po akong binibilang na pera, dahil wala naman po dapat bilangin. Hindi rin po yan isang channel ng isang telebisyon na paborito ko dahil ang mga channel na yan ay directory ng local cable sa aming telebisyon. Pero pwedeng halaga ‘yan ng mga nadagdag na piso sa mga madalas na gastusin at binibili sa merkado. Pero ang totoo ay iyan ang sinasabi kong salita sa tuwing magpapagupit ako sa barbero.

Madalas uno ang sinasabi ko sa barbero, natipuhan ko lang ang gupit na ito dahil nagmumukha akong rapist malinis tingnan at dahil na rin sa nagsasawa na ako sa pag-aayos sa aking buhok na medyo wavy at sa hirap na akong mag-isip kung paano ang look ng buhok ko kaya naisipan ko na lang ipa-semikal o uno. Sa unang gupit sa akin ng uno nagmukha akong maangas tingnan… aba ayokong isipin na mukha akong maangas kasi wala akong ibubuga sa basagan ng ulo. Inisip ko na lang na ito ay para sa aking mga fans - change look kumbaga. Dahil sa gupit na uno isang style lang ang nagawa ko dito para magmukhang kakaiba sa ordinaryong uno lang na gupit, pinagawa ko sa barbero ang guhit sa bandang gilid ng ulo ko. Hindi rin nagtagal nagsawa na rin ako sa istilo na ganoon kaya nakuntento na lang ako sa plain uno na ginugupit sa akin ng barbero. Masaya naman ako sa gupit na ganito madalas lang ako magkaproblema sa gupit na ito dahil sa sobrang ‘nipis na halos kita na aking anit at ang halos kitang ugat sa aking sentido na hindi natatakpan ng buhok at ang panghuli ay ang pagiging hindi disenteng tingnan para sa pag-aapply ng trabaho. Mukhang disente dapat para hindi masyadong nasstereotype na maangas kaya ko naisip na pahabain sa uno ang gupit. Kahit na semikal o mas mahaba pa sa uno ay sa tingin ko magmumukha akong disente at hindi nakakaintimidate tingnan dahil sa mga stereotypes. Nagtungo ako sa aking suking barbero sa SM, marahil alam niya ang magiging tipo ko bukod sa gupit na uno. Umupo at naghintay sa pagdating niya at heto na siya: 

Barbero: O, ano gupit? Uno pa rin? 

Ako: Hindi po, may mas mahaba po ba kayo sa uno?   

B: <ipasok ang mahinang tawang demonyo rito> meron, siyempre dos!   

A: <ipasok ang pekeng tawa rito>

Sabay kuha ng ikakabit sa electric shaver at pinaandar na at nagsimula ng ahitin ang aking buhok sa ulo gamit ang dos na ikinabit. Sa oras na pag gugupit niya sa akin eh medyo naalibadbaran ako sa kanya dahil sa mahinang tawang demonyo na kanyang ginawa gusto kong kunin ang pulbos sa mesa at budburan siya ng powder, pang-asar ka ha!!! Malay ko ba, hindi ko nga alam kung ung uno na ba un eh sentimetro o pulgada ba eh, at meron kasi kaming electric shaver at sa mga pampalit eh may mga sukat na kasama tulad ng 3/8 cm., 1/8 cm. at marami pang iba. Ni wala nga akong nakita na mismong uno eh kaya malay ko ba. At saka inisip ko kasi na baka pinag-aaralan ng mga barbero ang mga sukat na ganon, na pag gupit nila sa unang pagkakataon eh may dala silang mga ruler para sukatin ang sinasabing uno at dos. At kaya nga ako lumapit sa kanya para alamin, oh siya dos na nga ang susunod sa uno kala ko may 1.2, 1.4, 1.6, 1.8 sentimetro o pulgada o wateber kung ano man yun. Sige na, ikaw ang barbero eh. Habang ginugupitan na eto ako at nagbabasa ng magazine nang bigla niyang ibuka na naman ang bibig niya para magsalita.

B: Dito ka ba lumaki sa Las Piñas? 
A: Opo.       
B: Ahhh, eh bakit maitim ka?   
A: Kasi po, batang kalye po ako tuwing hapon, mga alas dos nasa kalye na po ako.
B: Ahhh, maitim ba magulang mo?
A: Hindi naman po, kayumanggi po sila.
B: Ahh, ganon…
A: errr…
B: Pero alam mo iba yung kutis mo eh, parang Mestizong negro ka.
A: <sa isip isip, meron ba nun?> Ahhh…
B: Namumula ka ba?
A: Oo, pag tumatawa…
B: Ahhh, iba yung kutis mo eh makinis hindi tulad nung mga maiitim…
A: …
 

Sa totoo lang gusto kong agawin sa kanya ang electric shaver at isungalngal sa loob ng bibig niya masyadong matabas ang dila kelangan paikilian na yan, kuya! Naalala ko tuloy ng minsan nagkaroon din kami ng pag-uusap.

B: Ano yang pabango mo?
A: Clinique happy po… 
B: Bakit iba yung amoy? Hindi ganyan yung akin…
A: Ahh kasi po fake lang po ito galing sa Aficionado, imitation po…
B: Ahh kaya pala, magkano na naman yan?
A: Mga 180 po…
B: Ahhh kaya pala eh…
A: …

Hindi ko ba alam kung orig ba yung kanya o fake din tulad ng akin… Kasi sa totoo lang mabango ang pagkakaimitate sa pabangong clinique happy at bakit pa ako bibili ng pabangong orig kung pwede naman na pagkaubos eh bili agad nang hindi magiipon ng libo libo. Base sa sinagot niyang “kaya pala eh” ‘di ko ba alam kung orig nga ba kasi pwedeng orig kung ang karugtong sana eh kaya pala - mura eh. Pero pwede naman fake kung ang karugtong sana eh kaya pala - medyo mas mahal yan sa nabili ko kaya pala iba ang amoy… Iisipin ko na lang yung huli. 

Medyo ginawang pampalubag loob ang pagkakasabi niya ng Mestizong Negro - hindi ko alam kung meron bang ganyan. Naku, alam ko na kuya bakit mo sinabi yan may gusto ka eh, nararamdaman ko.

Nang matapos gupitan hindi ako mapakali sa upuan ko kaya kinuha ko ang ikinakabit niya sa electric shaver na sinasabi niyang ‘dos’. Taena pano naging dos ito eh nakita kong sukat eh 1/4″ (6mm) cut. Bigla siyang nagsalita na naman - ayan nakalagay oh, dos. Takte talaga isa rin akong tanga eh ang sinasabi niya pa lang dos eh nasa itaas lang ng mga sukat na tinitingnan ko, isa siyang number kung pang-ilan siyang panukat dahil may 10 ganon na ikinakabit sa electric shaver. Ang nasabi ko na lang eh “ahhh okay, kasi meron din kami niyan hindi ko alam paano gamitin eh” - sabay alis at punta sa cashier.

Haayyy tulad nga ng sinabi ko may gusto ka…….. pagkabayad sabay alis ng shop, oo gusto mo ng tip… Mestizong negro  pala ha… Wala kang tip.

Takte talaga oo nga no ang susunod sa uno eh dos, nakakahiya ang tanga ko. 

 

Posted by jepjep at 12:50 pm | permalink | comments[15]

buhay na ulit ako…

June 22, 2008

Sa sobrang tagal ko ng hindi nag-uupdate ng aking blog marami na ang nagrerequest na mag-update na ako pero hindi naman sila ganon kadami mga hindi lalagpas sa bilang ng aking mga daliri sa kamay (nga pala may extrang daliri ako sa kamay eh) bale sakto lang pala ang bilang ng nagrerequest sa daliri sa kamay sa mga normal na tao. 

Ano ba ang dahilan at bakit ako matagal na namahinga? Una, siyempre nandyan si tamad. Uso siya ngaun, marahil sa araw araw eh wala akong ginawa kung hindi magisip ng pwedeng mailagay sa blog na ito kaya duon ko nakilala si tamad. Naging magbespren kami nung ‘hiatus’ ko dito, at dahil sa mga nagrerequest galit na kami ni tamad. Pangalawa, naging aktibo ako sa pag-aapply sa mga hospital at pag sinabing aktibo… kariran ang drama. Kahit sa hospital na inaplayan ko dati na bumagsak ako sa pagkahirap hirap na pagsusulit, nagsubok pa rin ako at ngayon wala pa ring tawag siguro bagsak ulit ako. Medyo madami dami na rin akong naaplayan at walang tumawag at ang tumawag na unexpected eh ang call center. Marahil sa dinami dami ng mga Nurses mahirap makahanap ng hiring at kung meron man mahirap din makapasok dahil sa mga interviews at exam. Pangatlo, dahil sa nakakaranas ako ng IBS o Irritable Bowel Syndrome sa mga nakaraang linggo. Papalit-palit ang diarrhea at constipation kaya naman spare me sa mga araw na wala akong update dito sa blog ko. At ang panghuli, may renovation kasing nagaganap dito sa bahay kaya mahirap makaisip ng isusulat sa tala sulatan ko, pagod pa ako pagsapit ng gabi dahil sa paglilinis ng bahay.

Naisipan kong magupdate na dahil na rin sa request ng mga kabloggers ko (kala niyo naman sobrang dami nila eh) at siyempre dahil bago ang aking header:

 

Bakit ganyan ang aking header? tanong mo kay batman. Kung iisipin mo na defensive ako hindi totoo ang nakasulat sa header at kung iisipin mo na nagsasabi ako ng totoo, oo totoo ang nakasulat sa header. Takteng yan isa rin pala yan sa mga dahilan kung bakit ako ‘hiatus’, ang makagawa ng header na simple lang dahil yung dati magulo at masyadong madaming kulay. Ayan na yung matagal ko ng pinagisipan, mukha bang pinagpawisan ako sa pag-isip ng header?

Kung pagpipilitan kung anong meron sa header sige na nga medyo totoo (hahaha may medyo pa eh) period. Yun na yun.

Kahit papaano naranasan ko naman kiligin ‘pag ako yung nagiging tulay, hingian ng advice at kung ano ano pa. Sa totoo lang hindi ko talaga ugali ang magbigay ng advice kasi hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko at madalas naman kasi yung taong nanghihingi ng advice eh siya rin mismo ang makakaisip ng kung anong gagawin yung kanyang sariling advice kumbaga. Pero hindi naman resulting to destruction ang advice ko sabi nga ng friend ko when I told him na ayoko magbigay ng mga advice: “HINDI ganun yun… your’re out of the box.. kaya you see the problem squarely” … o sige na nga. Medyo nakakasawa na rin ang magbigay ng advice at ang maging tulay,  hmmmmm… kelan naman kaya ako hihingi ng tulong sa pagtulay at hihingi ng advice?

teka may mga bago akong kabloggers at sila ay mga tropa ko:

+airah+

+belle+

+bujoy

mga lukaret yang mga yan… haaaayyy balik blog ulit ako!!!! weeeeeee… wala bang party poppers dyan? poof..

***naitag ako ni +micah+, isa sa kabloggers ko dahil hiatus ako naitag ako para magupdate na ako.. haaayyy buhay:

Rules:

  • each blogger starts with ten random fact / habits about themselves.
  • blogger that are tagged must write on their own blog / somewhere about their 10 things and post the rules.
  • at the end of your post, you need to tag ten people and list their names.
  • don’t forget to leave them a comment to let them know that they are tagged and to read your blog.

 —————————————–

here goes…

ICHI {one} [isa]

mahilig akong magtago sa wallet ng basura unconsciously naman eh. lahat na, maparesibo, ticket sa bus, foil ng condom, at siyempre pati pera… Oo, basura yun eh.. hahaha… joke.

NI {two} [dalawa]

hindi ako mahilig maglagay ng pictures ng kung ano ano sa wallet, kahit pictures ko wala kang makikita dun kung hindi dalawang lisensya ko na may picture. hindi ko lang feel…

SAN {three} [tatlo]

meron akong time na kinakausap ko sarili ko at minsan kunwari may kinakausap ako na tao… ahaha spooky.. pero, pero pang tanggal ko yun ng stress..

SHI {four} [apat]

kaya kong patunugin ung joints ko sa foot anytime… sure ball tutunog yun kahit napatunog na

GO {five} [lima]

isa akong OC ‘pag dating sa paglilinis sa kwarto ko, may makita lang akong pipiranggot na dumi wawalisin ko buong kwarto ko at huwag ka isasama ko na yung sala at pati na rin ang kwarto nila mama at kuya… kung ako ay magiging kasambahay niyo for sure malinis ang bahay niyo…

ROKU {six} [anim]

hindi ako sporty… halos lahat ata ng lalake eh marunong magbasketball pero ako hindi ko nagustuhan ang larong yan kung uso lang siguro dito ang soccer o football baka un ang kinarir ko pero dahil hindi uso, volleyball ang nagustuhan ko…

SHICHI {seven} [pito]

loser ako sa paglangoy, pwedeng pwede akong mamatay kung maglalakbay tayo sa dagat at biglang lumubog ang barko.. floating na pahiga lang ang kaya ko pero ang patayo baka nakatayo na ako sa ilalim ng dagat (patay na pala)

HACHI {eight} [walo]

kahit kelan hindi ako naging friendly sa mga bata, ayaw nila sa akin eh… hirap makipagcommunicate! gusto kong makipaglaro sa kanila kaso hindi ko tlga kaya ang magbaby talk eh or magsalita na parang bata… kaya puro blank ang salita ko kaya nabbore ang mga bata sa akin eh…

KYU {nine} [siyam]

hindi ako palasimba, ndi ko lang feel simula nung grade 6 hanggang ngaun wala akong initiative to go to church maliban na lang sa mga skul na sapilitan na umattend ng mass kasi attendance.. medyo non-believer kasi ako…

JU {ten} [sampu]

ahhh dahil sa bago ang aking header ayan totoo yan.. isa akong torpeng NGSB …  kala ko kasi ang laban sa buhay eh patagalan na walang girlfriend.. eh lumalamang na ako eh..

naku magtatag ba ako sa iba? baka hindi nila feel eh.. sige na nga start tau kay:

+belle+ (inglesera kong friend)
+airah+ (may bagong blog)
+bujoy+ (friend kong mahilig sa tsokolate)
+kingdaddyrich+ (kablog ko na for sure walang time sa tag)
+ferbert+ (alien ng blogosphere)
+mia+ (kapwa ko nars sa blogosphere)
+nica+ (private nars ng tropa)
+mho+ (ang sexy kong friend)
+ced+ (future doc ng blogosphere)
+chiksilog+ (isa sa paborito kong blog)

ayan leave na ako ng message sa inyo… later!!

 

Posted by jepjep at 12:54 pm | permalink | comments[37]

May 21, 2008

Once I was inspired with this amazing entry from my online friend. There is no doubt that this could be actually applicable to any of us. There is no bitterness, we just had the same point of view in life and we never felt napagiiwanan. I totally agree with him, kinda poetic but amazingly worth to read.

 

How’s your lovelife?

A very common question to ask yet a very hard and complex one to answer for most of us.

All because most of us narrow our definition of the word between the relationship going on between two opposite sexes. 

And yes—-we call it Romance. 

If this is so then does it mean that umarried persons, such as monks and hermits are missing a great deal of lovelife?

I believe not.

Being yet single and unmarried I am enjoying my “lovelife” to the fullest.  Do I have a loveone? Yes, and she stays with me always—never leaving my side … even for a single moment.  Her beauty, although not adorned by cosmetics and make-ups are timeless and unfading.

Her name?

Mercy and Kindness.  I see her everytime I visit the weak and oppressed … I kiss her lips everytime I speak words of cheer to those unloved and forsaken and I feel her warm embrace when I minister to others thirst for love and affection—-regardless of who they may be.

I do hope you’ll come not only to admire her, or to spell her name right but to let her in to your hearts and souls.  And I say this to everyone—-to every race, to every color and every religion—to every Jew, Christian, Muslim, Buddhist or Hindu.  I believe that there is some inner beauty within—if you only look within you.

Mercy reflects the beauty of her Impartial Maker even as the moon reflects the glory of the sun.  And like most of us, she too has her sisters—and they are called Compassion and Grace.

And I see them in every man who reaches out to the victims of calamity and disaster.  I see their jeweled hands in every house built for the homeless, in every cloth made for the naked and in everyone who welcomes an orphan as a part of the family.

I see their beauty in the Good Samaritan—having no agendas and no hidden motives but to serve and let the sunshine in to everybody’s lives.

And I believe, while everyone else ages as they grow old—my beloved never will.  But she stays ever young and sweet ready to extend her arms of care to all those in need all the time—in any time.

And I think having her beside me makes me the most happiest being alive, yet not only me but with everyone who has her name etched within their hearts.

Well … I guess I’ve said enough.  And forgive me if my words seem quite poetic.  It seems as if everyone becomes a poet once one becomes in-love. So always be IN-Love … not OUT-of it.

Only then will you fully see the image of unfading beauty.

There’s my lovelife … how’s yours?  Are you in-Love too?

Share My Joy,

+AngelRai+

kahit na hindi ko pa nararanasan na bumisita sa mga weak and oppressed; and able to talk to this guys, I believe the sincerity towards them when you saw them and the feeling of giving enough help to them is righteous and in a little way you were able to show your affection to them.

 

- Yup I’m in love with her too

                                       and I guess I will never feel empty… - 

Posted by jepjep at 10:51 am | permalink | comments[9]

hiatus continues…

May 16, 2008

Medyo busy ako sa mga nagdaang araw dahil sa required training for Nurses - ang IVT training. Kalakip na nyan ang seminar na medyo boring at nakakaantok na lecture. Hindi ko makakalimutan ang last day namin na walang ginawa kung hindi mag memorize ng mga step by step procedure sa pagturok ng swero sa pasyente, at natutunan ko na ang tumurok sa ugat ng tao… swabeng swabe eh. Ang nakakalungkot nga lang eh after 21 years nadevirginize ang aking vein, well nung 1 year old ako eh naturukan na ako ng swero - my goodness bata pa lang devirginize na ang vein ko.. Anyways, next week ang completion at medyo nakakakaba kapag pasyente na ang tuturukan ko at baka mamaya maginarte ang pasyente at sabuyan ako ng tubig sabay sigaw ng “ayoko ikaw”. Fully booked ang week ko ngayon dahil sa maraming nakaplanong gala at isa na dyan ang pagpunta namin sa Ocean Park sa sabado. Medyo nakakatamad din ang gumawa at gumalaw sa buong maghapon parang gusto ko ulit magpahinga mula sa mundo ng net. At nga pala finally, it’s david vs. david.. haayy…. I am rooting so deeply for David Cook to win. Arrr, I need a massage, sakit ng katawan ko. 

 

Sign Out muna ako…

 

NaLSS ako sa kanta ng Cueshe, ang ganda kasi ng tunog ng instruments lalo na yung drums, the electric guitar sa umpisa wow and especially the lyrics and the voice uhmmm well ung boses lang ni ruben ang maganda.. haha…

Cueshe - Pasensya Na

Mga mata mo’y nakakaakit Ng ‘di sinasadya
Ngiti mo’y nagbibigay sigla
Ng ‘di mo alam
Maamo mong mukha pag nakikita
Ako ay natutulala
‘Di ko alam ano’ng gagawin

Kaya pasens’ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
‘Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako

Galaw mo’y aking sinusundan
‘Wag ka sanang mawala
Nang ikaw ay lumapit
Pinagpapawisan sa sobrang kaba
Pilit kang mahawakan
Pero ‘di ko kaya
Sa iyo’y nahihiya
‘Di ko alam ano’ng sasabihin

Kaya pasens’ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
‘Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako

Kaya pasens’ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
‘Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo

Kaya pasens’ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
‘Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako

dahil dyan may nagawa akong pangako… haaayyy

 

Posted by jepjep at 2:53 pm | permalink | comments[8]