My Lava lamp
May 5, 2008Wala akong gana na mag-type ng english dito sa bago kong entry, nakakatamad at baka abutin pa ako ng 1 linggo bago ko i-post ang entry at baka mabulok lang sa draft.
Halos isang linggo na ang nakalilipas ng makabili ako ng lava lamp, weeee… Ang saya saya ko dahil gustong gusto ko siyang bilhin matagal na at dahil noon wala akong ka
effort effort na hanapin kung saan ako makakabili, hanggang pangarap na lang dahil mukha siyang mahal kung iisipin. At eto na nga una nakahanap kami sa festival mall sa Alabang, aba mura pala siya ha 895php akala ko ‘nun eh aabot ito ng dalawang libo dahil medyo sopistikada talagang tingnan kasi nga naman aanuhin naman niyan ng mga dukha? makakadagdag pa yan sa mataas na bayarin sa kuryente dahil incandescent light ang gamit at hindi siya eco-friendly. Well, bago ko siraan ang lava lamp ayun na nga dun sa festival mall ang lava lamp ‘dun eh medyo hindi yung inaasahan ko ang galaw ng mga wax sa loob medyo konti pa. Kaya ang advice sa akin ng kaibigan ko sa divisoria tayo maghanap doon sa 168 mall, ahhh ok. Nang pumunta kami sa divisoria aba ang hirap hanapin dahil puro kadamitan ang nakikita namin at puro mga bags at iisa lang sa buong mall na yun ang merong stall na nagtitinda ng lava lamp at ang kulay lang eh pink at maroon, ba un!! So, naghanap pa kami at nakakita kami sa mall na malapit sa 168 mall at eto na nga nakabili na kami ng kulay blue, ang gusto ko eh green kaso out of stock daw gusto ko na ngang kunin yung asa display na green kaso baka matagal na yun at magalit pa sa akin ang tindera dahil pinahirapan ko na siya sa pabalik balik sa storage room katatanong na anong available na kulay. Ang presyo? 370php lang… ang laki ata ng patong yung sa festival? Pero lately nalaman ko na sa ruins sa BF pque eh meron din at ang presyo? takte 300php lang, lugi ako! ang lapit lapit lang ng BF pque sa amin eh.. shux!!
Pagka uwi, hala!! karipas ako sa aking kwarto at sinaksak ko na sa outlet at hinintay na matunaw ang wax at WOW hehehe… para akong bata. Sa unang gabi na sinubukan kong pailawin ng buong gabi hanggang umaga eh halos nakatingin lang ako sa kanya tulalang tulala, kaya pinatay ko na lang at baka hindi pa ako makatulog. Tuwang tuwa rin sila inay at itay at gusto rin nila, mga nagaastang bata, haha…
Matagal na, as in matagal ko nang inaasam na makabili ng ganito. Simula nang makita ko ito sa pelikulang Shark Tale aba! nabighani ako sa ganda ng mga lava na naglulutangan at nagsasayawan at yung sa pelikula eh ang laki laki, para siyang poste ng meralco sa laki, kaso ang laki nun hindi siya kasya sa aking mumunting kwarto. Nang mapanuod ko ang Kyle XY lalo akong pinasasabik ng lava lamp dahil halos lahat ng miyembro ng pamilya ‘dun eh meron sa kwarto na lava lamp at iba iba pa ang kulay.. CUTE!!! Naisipan ko lang na bumili na talaga nang mapanuod ko ito sa pelikulang ‘Ate’ nila Ara Mina at ang crush kong si Cristine Reyes, hahaha… [ang puti puti at ang kinis kinis mo sobra, sarap mong ******] Anyway, hulaan niyo kung saan dun ang lava lamp? nandun siya sa loob ng isang motel na pinagpaparausan nila Cristine at ni Paolo Paraiso, grabe nakatingin lang ako sa lava lamp hindi ko pinapansin ang paglalambingan nilang dalawa, hahaha… Sabi ko na lang sa mga kasama kong nanuod na gusto ko yung lava lamp na ‘yun bibili ako nun!!! Ayun, bigla nilang naisip na gagawin ko bang motel ang aking kwarto? At eto na nga at nakabili na ako niloloko pa rin nila ako kung sino daw ang kashare kong titingin sa lava lamp sa aking kwarto, eto lang ang masasabi ko sa inyo - bawal!!! hahaha… Pang isahan lang ang aking kama, hahaha… nyeta kayo issue kayo ha!! Hindi makakatulog yung babae at hindi ko siya patutulugin dahil……. weeeee……. dahil naghihilik ako.. haha…
Pero malay natin?!! hahaha, pacute ampotah…
Habang nagttype ako napapatingin pa rin ako sa lava lamp, shet adik na talaga!!!
Ano bang meron sa climate change?
April 23, 2008Mainit… Yan ang madalas na marinig na reklamo ng mga tao. Ano bang meron? Dahil ba summer na? Pwede… Pero napansin mo ba na painit ng painit ang klima sa tuwing darating ang summer sa Pilipinas? Kung Oo, iyon ang problema. At ang problema ay ang Global Warming.
Noon madalas ng tinatalakay ang suliraning ito sa eskwelahan pero hindi masyadong nabibigyan ng linaw o kaya ang mga senyales at palatandaan ay hindi inihahain sa amin at tanging ang pagsabi na ang Global Warming ay isang malaking problema na ating kinakaharap kung kaya’t hindi masyadong naging malaking isyu para sa akin.

Maganda ang dokyumentaryo nila, nagbigay sila ng mga simpleng tips upang mabawasan ang problema tulad ng pagtipid ng kuryente, paggamit ng cloth bag imbes na plastic bag kapag mamamalengke at ang pagrerecycle.
Isa pang dokyumentaryo ang aking napanuod at ingles naman. Ang +An Inconvenient Truth+
na gawa ng dating tumakbo bilang Presidente ng Amerika na kalaban ni George W. Bush na si Albert Arnold Gore o sa mas kilalang Al Gore. Masyadong detalyado kung iyong papanoorin, maraming patunay na nag-iiba na talaga ang ating klima at base sa pag-aaral dito sinasabi na ang pagdami ng konsentrasyon ng Carbon Dioxide sa atmosphere ay nakakaapekto talaga sa pagtaas ng temperatura ng buong daigdig. Pinakita dito ang unti-unting pagtunaw ng yelo sa Hilaga at sa Katimugang bahagi ng Daigdig. At ang pwedeng maging resulta nito ay ang malawakang pagtaas ng tubig sa buong daigdig na pwedeng ikalubog ng mga bansa kasama na ang Pilipinas. Pinakita rin dito ang maaaring mangyari sa susunod na limangpung taon kung saan madodoble ang nararamdamang init dahil sa sobrang pagtaas ng mga Greenhouse Gases sa atmosphere. Nakakalungkot dahil ang ibang lugar kung saan natatakpan ng makakapal na yelo ang mga kabundukan ay unti unti ng nawawala at natutunaw, at ang mga lugar kung saan kilala sila dati at ngayon wala na tulad ng isang lawa sa Aprika kung saan natuyo na talaga ang lawa at naging lupa na lang. Malaki rin ang epekto nito sa mga hayop tulad ng mga migratory birds na ‘pag nangingitlog eh kasabay nito na nabubuhay ang mga caterpillar pero ngayon na tila nauuna na ang mga caterpillar na mabuhay kaysa sa mga inakay kaya nawawalan ng pagkain ang mga ibon. Meron ding malaking epekto ito sa tao, dahil na rin sa napakalaking populasyon natin at malamang sa mga susunod na taon dadami at dodoble pa ang bilang ng mga populasyon, dahil dito kakaunti ang magiging supply dahil sa pagtaas ng demand. Maganda rin ang pagkakapaliwanag nila sa mga bagyo na nararanasan, dahil sa init na nagmumula sa araw ang tubig sa karagatan ay pumapaitaas sa prosesong evaporation at kapag talagang bumagyo malakas ang dulot nito. Sabi sa pag-aaral nagkaroon ng may pinakamalawakang tag-init o heat wave nung taong 2005 kung saan sa taong rin yan nagkaroon ng maraming bagyo, dahil kahit lupa o sa karagatan eh ang tubig eh sinipsip paitaas. Medyo nakakaalarma pero andyan na mga senyales dapat ba taung maniwala o hindi?
Melissa Etheridge - I Need to Wake Up
Maraming hindi naniniwala sa mga babala at mga senyales, dapat ba taung maging katulad nila na mga skeptics? Hindi natin dapat ipagsawalang bahala ang mga pag-aaral dahil maraming taon ang ginugol nila para lang makagawa ng teorya at ipakita sa madla na it’s a fact. Sabi nga ni Al Gore na mas dapat nating ikabahala ang mga pangyayaring ito kaysa sa pag giyera sa mga terorista. May binigay siyang nakakatuwang mensahe tungkol sa isang balanse, sa balanse ay mayroon isang maraming bloke ng ginto at sa kabila ay ang ating mundo, dahil na rin sa maraming tao na binibigyan ng importansya ang kayamanan hindi ba nila naisip na kapag hindi nila pinili ang kalagayan ng mundo ehhhhh - alam niyo na yun. Siguro ang sinasabi niya ay ang mga pabrika at kung ano ano pang industriya na walang pakialam sa kinakaharap na problema. Maganda ang mensahe at ang dokyumentaryo na ito ay dapat lang na panuorin.
Nakakatakot na ‘pag tumitingin ako sa mga sanggol at sa mga bata hindi ko maisip kung anong kinabukasan ang kanilang madaratnan at ang nakakatakot ay kung mayroon pa ba? Isipin mo na lang na sa magiging apo mo o anak mo ay paano kung magtanong sila ng ganito: “Ma, Pa, Ano po ang nangyari?”, “Bakit wala po kayong ginawa?”
(gulp) help!!! (gulp)
April 4, 2008Mukhang nalulunod pero hindi, pero halos pareho lang ng nararamdaman tuwing gabi. Halos magtatatlong linggo na lagi lagi ko itong nararamdaman, siguro sa tatlong linggo na ‘yun naka anim na akong pakiramdam na ‘yun. At deadly talaga kung iisipin.
Haayy.. hindi ko alam kung bangungot ba ang tawag ‘dun kasi sabi nila wala namang bangungot. Madalas naririnig sa mga Pilipino na binabangungot sila at kung iintindihin ang kwento nila tila nakakatakot nga. Nakakahiya kasi asa Medical field ako pero kinoconsider ko na isa ngang bangungot yung naramdaman ko. Pero ‘nung una kong naranasan yan, siyempre bangungot nga kung iisipin pero kung paulit-ulit at pare-pareho mag-iisip ka talaga at magrarationalize na may ibang rason o paliwanag sa nangyayari sa akin. Ganito kasi ‘yan, hindi naman lagi-lagi pero may araw na tatamaan talaga ako ng ganoong karanasan at halos pare-pareho lang. Kapag matutulog na ako at nahimbing na biglang may nararamdaman na ang bigat bigat sa dibdib ko tapos tipong hindi ka makahinga tapos ang hirap magising, aakalain mong napakadambuhalang tao ang nakaupo sa dibdib mo - creepy. Naisip ko lang yan kasi may nabasa ako dati sa isang magazine tungkol sa mga multo at aswang na hindi na nawala sa tradition nating mga Pilipino at isa na nga ‘yung malaking tao daw na dumadagan sa dibdib ng tao at hihintaying mamatay - waahhh.. Anyways, buti na lang nagagawa kong maidilat ang aking mata at talagang nagagawa kong bumangon na ang hirap hirap pilitin. Tapos mapapansin ko na lang na nakatihaya pala akong matulog. Nung unang gabi na naranasan ko yan agad akong tumungo sa kwarto ni mama para ‘dun matulog, sobrang takot eh. Pero sa mga nagdaang araw na paulit-ulit at laging nagigising ng nakatihaya pala ako natutulog dinedeadma ko na lang eh ‘di magside-lying na lang o kaya dumapa na lang ‘pag matutulog.

Nakausap ko ang aking kaibigan na kapwa ko na nurse at sabi niya baka naman busog ako kung matulog. Haayyy ndi ko maalala, pero kapag nagising ako sa ganong “bangungot” ang sakit ng tiyan ko.. Siguro nga sabi nila nag-ooverwork daw ung pancreas ko - katakot. Dyan kasi namatay ang sikat na aktor eh, waaahhh sige na nga pilitin ko na lang na tumagilid ‘pag natutulog nakakangalay kasi kaya napapatihaya ako eh. At sa iyung busog akong matulog, hindi ko matandaan talaga. Kumakain naman kami ng saktong 7pm at natutulog ako ng 11pm tapos ung “bangungot/overwork ng pancreas” eh halos 2am - 3am nangyayari. Haayyy naku, babawas-bawasan ko nalang yung carbs sa pagkain ko ‘pag gabi. Ayaw ko pang mamatay, kapag may pamilya na ako saka na, hahaha…
Sa tingin ko dapat maghanap na ako ng katabi para hindi ako makakaranas ng ganito, siyempre kasi nakaside-lying eh - naghahanap ng mayayakap. Hahaha…
Napapansin ko kahit na taga medical field ka minsan ‘pag nagpapanic ka hindi mo rin maalagaan ang sarili mo, mabblanko ka rin at hihingi ka talaga ng konsulta.. haha…
Detox
March 23, 2008Hilig kong magbasa ng mga blog ng iba, natutuwa kasi ako sa mga entries nila at sa mga kwento ng buhay nila. Pero hindi ang kanilang buhay ang laman ng entry ko dito kundi ang mga pagsagot nila sa mga tanong na-ala bulletin board sa friendster. Nakakatuwa lang kasi at ngayon ko lang gagawin ang ala survey na ito. Medyo luma na yung mga tanong na ito dahil halos inaagiw na ang entry na ito mula kay +doc cedeux+, +kingdaddyrich+ at kay +carl+ na nagpapakape. Kahit na hindi nila iti-nag sa akin ito gagawin ko pa rin, kasi medyo bago bago ko pa lang sila naging kaibigan dito sa online world eh. Hindi ako nagtatampo. Hmmm… ano ba kasing mga tanong?:
� Pag nasa CR ba kayo, hindi kayo naiilang sa katabi nyo?
Hindi. Ang alam ko may rule na nakatatak na sa isipan ng mga lalaki eh. Kapag lima lang yung urinals the odds will be used while the even is not… Laging may pagitan, pero kapag punuan bakit naman maiilang? Pare-pareho lang kaming meron nun.
� Ano ang sekreto nyong mga gwapo? (ano meron sa kikay bag?)
Hindi ko alam, siguro pag confident sa sarili yun ang sikreto at wala akong kikay bag. Tanging panyo lang ang dala ko at candy.
� Nakapasok na ba kayo sa girl’s CR?
Hindi pa. Ano naman gagawin ko dun? Pero curious ako sa loob ng Ladies CR kaya kapag mag CCR ako sa mall siyempre madadaanan muna yung Ladies CR tapos mapapalingon na lang ako sa CR nila… Consistent yun!!!
� Bakit pag nakakita kayo ng magandang legs tumutulo laway nyo?
Hindi naman, eh paano pag nakahubad na? Marunong naman akong maka-appreciate ng magandang legs pero hindi tutulo ang laway ko dun. Ang gumagawa lang nun eh mga manyak at hindi ako manyak, malibog lang ako…
� Bat ang hilig nyo mag-inuman? Masarap ba malasing? huwag nyo ibabalik sa ken ang tanong na yan!
Hindi ko hilig mag-inom, pag nagkaroon lang ng kasiyahan dun lang ako nainom. Pero ngayon bawal na akong uminom kasi lumalaki ng ang “love handles” ko.. Isang beses pa lang ako nalasing at nagtawag talaga ako ng uwak - nakakahiya.
� Ano feeling ng tinititigan kayo?
Nino? baka mapaparanoid ako, haha… Siyempre mahihiya tapos mamumula tapos kikiligin ako kapag magandang bebot yung nakatingin.
� Eh paano kung bading yung tumititig?
Lalo akong mapaparanoid kasi baka may mali akong nagawa. Siguro iiwas na lang ako.
� Do you really keep “secrets”?
Oo naman, pero kapag alam kong hindi naman big deal yung secret na yun tapos gustong malaman ng iba sasabihin ko pero in a funny way kaya malamang hindi siya maniniwala o kaya in a high standard requiring high I.Q. understanding - bigatin! Pero I can keep a secret.
� Nagwa-gwapuhan din ba kayo sa ibang lalaki?
Ang alam kong istura ng gwapo eh basta maputi kasi ako hindi ako maputi. Siguro pag tinitilian ng mga babae yun na siguro ang gwapo.
� Ano feeling? Nakakabading ba?
Hindi. Deadma lang.
� Gwapo ba si Richard Gutierrez?
Oo, siguro kasi hearthrob siya eh. Tinitilian naman siya ng mga girls, maputi pa siya at matangkad. Sabi nga ng nabasa ko sa isang dyaryo ‘the guttierez’s family has a good genes when it comes to their looks.’
� Baket ang hilig nyo sa wrestling? Scripted lang yun di ba.
Nung bata ako sobrang hilig ko dyan, nalaman ko na lang na scripted yan nung HS ako pero nanonuod pa rin ako hindi na nga lang ganoon ka consistent.
� Umiyak ka ba nung namatay si Ultimate Warrior, si Bret Hart o si Eddie Guerrero?
Nalungkot ako nung namatay si Eddie Guerrero kasi sa bangungot siya namatay eh - tragic. Si Ultimate Warrior hindi naman siya namatay eh pero napaniwala ako kasi bata pa ako nun eh.
� Bakit ang dami nyo pick-up lines? San nyo ba napupulot yan?
Hindi ko pa nattry yang mga yan kasi hindi ako marunong. Hmmm.. Hindi talaga.. Ang mga pick-up lines eh para lang sa mga gustong makascore. Sino bang hindi gusto ang makascore? Di bale pag-aaralan ko yang mga pick-up lines.
� Bakit ang hilig nyo sa hentai or porn?
Natural na yun sa mga lalaki. Ayaw ko ng hentai kasi imbes na ma-arouse ka mandidiri ka kasi may mga halimaw silang sinasali. Mas maganda kung tao sa tao - enough said.
� Ano meron sa “boys talk”?
Meron ba nun? Siguro mga experiences at escapades. Pataasan at Palayuan ng ihi kumbaga.
� Natotorpe ka ba? Baket?
Member ako ng Liga ng mga Torpe. Mahiyain kasi ako eh.
� Bakit kayo nagpupuyat?
Hanggang 2am lang ang kaya ko, pero madalas maaga na akong matulog mga 12 matutulog na ako. Kakanuod ng T.V. at kakasurf sa net.
� Ano gusto nyo gawin ng girl pag hindi talaga kayo gusto maging bf?
Wala. Dapat walang sapilitan, mutual dapat.
� Bakit kayo mahilig sa blue?
Kasi bagay siya sa mga morenong tulad ko, play safe sa kulay eh.
� Di ba pink is a masculine color? bakit ayaw nyo mag-pink?
May pink akong damit ha… Oo daw pink is a masculine color pero ‘di ko gets sa mga market ngayon, ginagawang pambabae ang pink.
� Natatakot ba kayo sa dilim?
Hindi. Masarap nga maglambingan sa dilim eh, pero mas masarap pag may liwanag.
� Pag nag-aaway kayo, bakit gusto nyo suntukan?
Hindi ako nakikipagsuntukan kasi malamang ako ang uuwing talunan, kaya madalas sa magandang usapan nauuwi kapag may nakakaaway ako.
� Eh pano kung babae? di naman pwede suntukan.
Tampuhan lang ang pwede, dapat walang pisikalan kapag nakikipag away sa babae. Ang babae dapat niyayakap at kung ano ano pa kapag pisikalan ang usapan.
� Ano ang definition niyo ng “makulit”?
Hmmm… maraming depinisyon eh, pero yung makulit na masarap yung tipong sweet na makulit ang gusto ko.
� Bakit ang hilig nyo magregalo ng stuff toys? Last resort ba yun pag wala ng maisip?
Wala pa akong nareregaluhan ng stuff toys kasi wala pa naman yung nararapat tumaggap. At saka ang mahal ng stuff toys aanuhin naman nila yun? Last resort? actually hindi ko alam.
� Gusto nyo ba regaluhan din kayo ng stuff toy?
Ayaw, aanuhin ko un? itatago lang yun sa aparador, mamamaho pa. Kung reregaluhan mo ako pwede na ang katawan (for girls only).
� Do you really keep secrets? ganun?
Oo nga!! Aba!
� Baket defensive kayo madalas?
Kasi ganon talaga pag iniisipan kami ng mali.
Hmmm.. wala naman akong mai-tatag nitong mga tanong na ito kasi halos lahat na ata ng lalaking kaibigan ko dito sa online world eh nasagot na ito, hindi naman pwede sumagot ang mga bababe kasi baka kung ano ano ang mga kabitteran ang isagot nila dito.. haha…
waaahhh detox… I need to detox, dapat maaliwalas na ang pakiramdam ko bago ko simulan ang bagong kabanata ng aking buhay.




