Pedomorphic
March 17, 2008March 17 - the day we took our oath as a nurse and accept that we are soon to be professionals.
It was a relief that finally we can call ourselves a Nurse or one of the Health Care Professionals. I never see myself when I was a kid wearing white uniform, taking care of people, and assisting Doctors. I see myself as a Doctor, well with white coat only. But eventually as year and year adds the dream fades away. Hindi ganoon kadali ang mag-aral at mag-aral at higit sa lahat ang mag-exam at mag-exam. For me, passing the local board exam for nurses I took is enough to be called professional, I don’t need to add more titles at the end of my name - RN is enough. It seems I’m already fond and excited working as a Nurse in a Hospital, though the application process is dreadful I think it will took me about several years to work as a Nurse. Mag-training na lang muna ng mga kung ano ano.
8 A.M. - start of the Oath taking rites.
At 7 A.M. me and some of my friends together with our moms travel from Las Piñas to SMX near Mall of Asia. We thought we’re going to be late because of the heavy traffic along Coastal Road ala bumper to bumper. As soon as we get there I parked our car, and headed to the convention center as fast as we can. Ang haba ng pila pero ang bilis naman gumalaw. The convention center was really beautiful but the program sucks. It was kinda boring and all of the BON members I think gave their speeches which I don‘t give a damn to listen actually.
Me and my friends were taking pictures and laugh our butts off while the jutanders of BON talks. Arghh it’s so boring not until Intermission, I was enthralled by the voice of the singing duet from UERM. Grabe ang ganda ng boses nung lalaki at pati siyempre nung babae, panalo!!! Well, the girl is very talented, she can sing, she is a nurse and she’s pretty - naku buti na lang at wala ka dito sa Las Piñas o sa review center namin kundi baka nai-blog na rin kita, haha. Kidding aside, their piece as a duet was amazing - Beauty and the Beast. This reminds me of the Walt Disney Movie, grabe nakakamiss yung movie.

I think this is the first movie I watched from Walt Disney at sa VHS pa. The story is amazing, the Original Soundtrack is good and most especially the characters. I remember Belle - Beauty, I think she’s the most beautiful princess of Walt Disney. Bebot na bebot kasi. And in this movie I think hindi siya ung kaawa-awa ang dating. Siya lang yung naging crush ko na cartoon character, haha… And because I developed this “mutual connection” with the movie I decided to download it.
Mapapanuod ko na ulit ‘yung ALL-TIME FAVORITE animated movie ko, I can’t wait to watch and enjoy it while I’m having my all-time favorite movie snack - my popcorn.
Beauty and the Beast - Celine Dion & Peabo Bryson

Who can forget the memorable and famous ballroom dance?
I also downloaded the OST of the movie, hehe… Forgive me for being a childish, I know I’m a big adult now, I just missed the movie so much…
the verdict… (drum roll)
February 21, 2008

please check my heart rhythm…
Ilang gabing kakaisip, mahigit 2 buwan kaming mga nag-exam ang naghintay sa resulta. Iniisip kung tama ba ang mga pinagsasasagot namin sa pagsusulit, kung nagawa ba namin ang sapat upang maipasa. Halos 2 buwang mahigit gabi-gabi yan lang iniisip ng mga estudyanteng kumuha ng pagsusulit.
Para sa akin, kalmado ngunit negatibo ang aking tugon sa naging pagsusulit at sa darating na resultang lalabas. Nagiging kabado lang kapag may nagpapaalala sa akin kung lumabas na ba ang resulta. Deadma ako sa sitwasyon, marahil may kutob na ako sa kung ano ang magiging resulta (kabaliktaran pala ang nangyari). Kahit na ganon ang aking paghawak sa sitwasyon, hindi pa rin maikukubli na tuwing gabi madalas maiisip ang mga bagay bagay bukod sa taong ito eh naiisip ko rin ang ikahahantong ng aking pagsusulit. Madalas naitatanong sa sarili kung magiging masaya ba ako sa resulta? Magiging masaya kaya ang aking mga magulang sa resulta? Maipapasa kaya ng taong ito ang pagsusulit? At higit sa lahat maipapasa ko kaya ang pagsusulit na ito? Gabi ng Feb 20 nang natapos ang mga agam-agam ko at nadagdagan ang lalong namumuong tensyon ng sabihin sa akin ng aking kaibigan na lumabas na ang resulta. Nang dalawin ko ang site para tingnan ang listahan ng mga pumasa, hindi mabuksan dahil flood ang site at maraming pumapasok sa site. At dahil sa walang magagawa itinulog ko na lang muna. Umaga at hapon ng Feb 21 halos buong magdamag akong walang sawa sa pagbisita sa site upang malaman na ang resulta, halos mabaliw na ako dahil halos lahat ng kung ano anong site na ang dinalaw ko na makapagbibigay sa akin ng listahan kaso lahat sila ay dinidirekta ako sa site na flood. Maya-maya may nag-PM sa akin sabi niya lumabas na ang resulta at mayroon na siyang kopya. Agad kong hiningi sa kanya ang site na kung saan lumabas na ang resulta at agad agad kong tinype ang pangalan ko at:

WOOOOHOOOO!!!! Ang saya saya ko… Pumasa ako!! 1st take lang!! Grabe ang saya saya ng mama ko. Halos lahat ng kaibigan ko hinanap ko ang mga pangalan kasama na yung mga +ka-roommates+ ko. Pumasa kami!! Ang sarap ng feeling sobra!! Halos lahat sa tropa namin eh mga Nurse na, hehe… Masaya lang ako kasi kahit papaano nagawa ko, nagtagumpay ako kahit na sobrang hirap at halos iyakan ko na…
CONGRATULATIONS to all my batchmates, and to all who passed the December 2007 NLE… NURSE na tau!!! hehe..
Jeffrey Ian S. Cervantes, RN
bagay ba?
Though I felt ’sappiness’ (sad+happiness) right now kasi ang taong special sa akin hindi ko nakita sa listahan ng mga pumasa ang pangalan niya, special ka pa rin sa akin sobra!! baka kailanganin mo ang hug ko… hug na lang kita…. xoxo
*** My Goodness, nakalimutan kong pasalamatan ung mga kaibigan ko at sa mga online friends ko here sa blog ko na sumuporta sa akin sa buong process, from review till the release of the result, grabe super thank you talaga. I was so overwhelmed kaya nawala sa isip ko na pasalamatan sila, hehe… Though personally napasalamatan ko naman sila, include ko na rin sa blog ko ung happenings.*** - February 26, 2008
si Crush… (Happy Valentine’s Day sa iyo)
February 14, 2008karugtong ito mula +dito+:
Play this first:
Full House OST
sa mga nagdaang araw ang hirap itago ang tunay na nararamdaman, pilit na Kinakalimutan ang bawat alaala at bakit tila ikaw pa mismo ang nagsusumiksik sa aking isipan kahit na hindi mo ito binabalak? bakit tila ang hiRap kalImutan ang mukha mo na mala-anghel? bakit ang hirap burahin sa iSipan ko ang maaliwalas mong mukha na sobrang kay ganda? bakiT patI Ngiti mo na minsan ko lang nasilayan Eh piLit na rumerehistro sa aking uLo? bakIt pati ang Maririkit mong mgA mata ay nagniningning sa bawat alaala na aking pilit na kinakalimutan? ang katawan mong panalo, balat na kay kinis at puti na ‘pag biglang naalala parang anghEl ang nakikita. haaayyy, parang lumilipad Sa Alapaap. aNg hirap kaliMutan ang babaeng tulad mo, nagpakIliG at naramdaman ang sobrang tama sa pUso. ayaw ko mang isipin pEro hindi magawa. ikaw na nagbibigay Liwanag sa aking imahinasyon. ikaw na Crush ko Ika-nga ng mga tao, crush na lumEbel paitaas dahil aRaw araw alaala mo ang laging nasisilayan. ikaw kung bakiT anong mEron ka na mahirap kalimutan dahil ba sa iyong kagandahang taglay o ang pagkakaroon mo ng pusong kay busilak?
ang totoo masakit na. hindi na nga masaYa eh… ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganiTo, parang isang libong pana ni kupido ang nakabaon sa puso ko… kung kailan naman hindi na manhid yung puso ko at natuto ng umibig saka naman siya nawala. nagkaroon na nga ng pagtingin, nagtriplE tripLe naman ang katorpehan… malamang hinding hindi ko makakalimutan ang mga linyang ito sa kantang ‘Ngiti’:
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko’y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
Medyo korni nga eh pero ganoon talaga ang nararamdaman ko, pero kahit ganun pa man masarap pa ring isipin gabi gabi yung ganung pakiramdam. Bingo na nga ako sa mga kaibigan ko eh paano, dahil sa isang entry ko dito na tungkol sa iyo eh unti unti silang nagiging curious kung gaano ba talaga kaganda “si crush” at kung ano ba talaga meron ka. Kahit naman ako curious eh kung ano ang mayroon ka, may first impression na mabait ka at napatunayan na nga dahil approachable ka at hindi mataray ayon sa aking kaibigan pero hanggang duon lang namin nalaman kung ugali mo ang tatanungin. Marami akong tanong tulad ng; curious ako kung palatawa ka ba, kung paano ka tumawa, kung paano ka magalit at kung paano ka maglambing.
Baliw na nga ako kung ituring pero iba kasi yung kilig na nararamdaman kapag bigla kitang naalala ng hindi sinasadya. Marahil sa mga kantang nagpapakilig sa akin sa paligid kaya dun ko nakikita sa aking isipan ang iyong mukha. Alam ko naman na walang patutunguhan ito eh, ineenjoy ko na lang dahil kahit ano sabihin nila totoo naman yung nararamdaman ko at hindi basta basta lang.
At ngayon na ipinagdiriwang ang araw ng mga nagiibigan babatiin pa rin kita ng happy heart’s day at eto ang gift ko sa iyo:

Sweet hearts from Gonuts Donuts
kahit na wala naman tayong relasyon at hindi mo rin ito mababasa ‘yan ay para sa iyo. At marahil masaya ka sa araw na ito…
Mamimiss kita Mama Bear…
The more
Iyou fall for the girl, thoughIyou already knew that there will be no chance at all, the moreIyou realize thatI’myou’re just hurtingmyselfyourself
February 14, 2008
*dun sa korean song, pinili ko siya dahil maganda ang lyrics based sa english translation.*
I crave for Burgers
February 12, 2008Argghh 3 days na akong nagccrave sa burger, naglalaway na ako sa flame-grilled burger. Marami kasi dito sa South ng Metro Manila ang mga food chain na flame-grilled burgers. Iba kasi ‘yung lasa sa ordinary cheese burger na nabibili sa ibang chain, buti na lang at meron nung mga flame-grilled restaurant (or just a fastfood) dito sa South ng Metro Manila at hindi na kailangang dumayo sa Manila at Quezon City. Bukod sa whooping size eh ‘yung katakam takam na lasa ng palaman na halo halo, isa na dun ung burger patty. It varies from 1/4 , 1/3, 1/2 lb. na buger patties at ‘yung iba 1 lb. pa, siyempre ung lasa ng grilled burger eh panalo talaga. At ‘yung cheese, grabe sobrang melted at yummy talaga ‘yung lasa dagdagan mo pa ng iba’t-ibang kahalo tulad ng lettuce, onions (white), mayo, at siyempre ‘yung special sa burger according sa menu… yum yum talaga.
Ngayon hindi ko alam kung saang food chain restaurant ba ako pupunta para mawala ‘yung cravings ko sa burger…
Isa sa mabentang fastfood store dito sa South of Metro Manila eh ang hotshots
, matatagpuan yan sa Commerce Ave. Alabang Muntinlupa.. halos sa likod na rin ng WestGate na masyadong popular sa mga nagffood trip. Located siya sa taas ng treats bale sa gas station. Ang paborito ko naman dito eh ung Crispy Buger Melt. Super sarap ng mga burgers nila although hindi ko pa naman natitikman lahat pero kapag magkakasama naman kaming magkakaibigan I see to it na iba iba ang mga kakainin namin and then tanungan na kung masarap ba, eh masarap naman daw. Para malaman ‘yung mga menu nila eto ung mouth watering pictures nila from their site. +Hotshots+
Another one is my all time favorite ang Charbroiled
Burgers. Matatagpuan yan malapit sa Abenson sa Alabang Muntinlupa. Medyo tapat ng Honda sa may Alabang Zapote Rd. papasok pa sa isang street pero makikita agad. Dito isa sa mga paborito ko eh ang ‘Garlic Scream’ grabe ndi siya nakakasuya, eenjoyin mo ‘yung burger na yan promise!!! At siyempre panalo rin ‘yung mga iba’t ibang burgers nila lalo na ‘yung Roast Beef nila.. yum yum!! Masarap din ‘yung pasta nila like spaghetti at siyempre ‘yung tacos nila. They also serve rice para sa bigating dinner which is masarap din ang mga ulam. Hindi ko mahanap ‘yung site nila pero here’s another blog na tungkol din sa charbroiled burgers. +Charbroiled+
Recently ko lang natikman ‘yung burger nila dito sa Brothers Burger. Located siya sa WestGate Alabang malapit sa Home Depot sa Alabang - Zapote Rd. Isang beses pa lang pero hindi ko nagustuhan
‘yung inorder ko dito which is Cheese Steak sandwich. Hindi ko lang siguro natripan kahit ‘yung friend ko na kasama ko kumain dyan hindi niya rin natripan ‘yung inorder niya. Pero sabi naman ng iba kong friend masarap naman daw siguro mali lang ‘yung order namin, pero kahit na dapat lahat masarap, haha.. Well, ayon naman sa nakita ko sa menu nila mukhang nakakatakam naman ‘yung iba, kaso medyo mahal siya di tulad nung dalawang burger food chain resto na napili ko. Mukhang Mouth watering ‘yung salads nila at ‘yung mga finger foods nila like french fries at onion rings at may chili fries pa… Anyways, eto ‘yung site nila para makita niyo ‘yung menu nila. +Brothers Burger+
Yan palang naman ang alam kong flame-grilled burgers dito sa South of Metro Manila, diko pa kasi nadadayo ang BF parañaque na balita ko maraming food chain restaurants…
At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagdesisyon kung saan bang burger food chain restaurant ako dadayo at para mawala na ang cravings ko… Naku malapit lapit ako sa Jollibee ha, well hindi naman masama ung +Champ+ nila kasi malaki laki rin, hehe. Hindi rin masama ‘yung mga burgers ng +Wendy’s+ un lang, hindi ko type ‘yung Big Mac eh..
In fairness affordable naman ‘yung mga burgers so sulit naman kasi malaki naman ‘yung burger. Gusto ko ng Burgers huhu…
quite true…
January 27, 2008I received a quote from an old good friend of mine this afternoon, but before that I was listening to my playlist where all songs on it are romantic. Sheesshh, and I was about to take my nap and imagining things about her (+my crush+) then a beep from my cellphone, it was a quote… para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig, natauhan ako duon ha hindi na tuloy ako nakatulog at nakapag enjoy ng aking siesta ng nabasa ko un… Anyways eto ung laman ng message:
There are things in this world that can never be ours because of these simple truths:
1. They are bad for us.
2. They already belong to someone else.
3. We already lost the opportunity to claim them as our own.
&
4. They are just NOT meant to be ours.
So, if you’re caught up with wanting something you clearly can’t have, remember:
You may trade in all your cards to get what you want, but in the end, maybe you’ll find that it’s not what you really needed…
Masakit na panama… pero natawa rin ako kasi sakto talaga siya sa ginagawa ko ng mga panahon na iyon. Alam ko na hindi lahat ng gusto ng tao eh makukuha niya pero hindi ko alam na pwede pa pala palalimin yung mga ganoong konteksto at eto na nga ang masakit na panama, para siyang bulong na nakamamatay - mahina kung bigkasin pero masakit damhin, masarap sa tenga pero isang lason sa puso.



